Nakatapos siya ng Bachelor of Music sa University of British Columbia at nakatutugtog din siya ng flute, violin, strings at percussion. Isa rin siyang singer, arranger, songwriter at composer.
Dumating siya ng bansa nung Abril ng nakaraang taon at kasalukuyang may tinatapos na album sa Dyna label na nagtatampok ng mga sarili niyang komposisyon.
Maririnig ang kanyang talino sa repeat ng Paano Kita Mapasasalamatan, isang tribute ni Kuh Ledesma sa kompositor na si George Canseco na magaganap sa Enero 21 sa PICC, kasama sina Basil Valdez, Christian Bautista, Dulce, Pilita Corrales, Side A, Piolo Pascual at marami pang iba.
Pangungunahan ni Sarah Geronimo ang nasabing concert na mag-uumpisa ng alas-8:00 ng gabi ng January 15 hanggang madaling araw ng January 16.
Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, ngayon lamang mangyayari ang ganitong selebrasyon kayat ibubuhos nila ang lahat para ipagdiwang ang sentenaryo ng kanyang nasasakupan.
Sina Ethel Booba at Jose Manalo ang magho-host sa unang bahagi ng programa. Kasama naman sa magpi-perform ang Hot Babes na sina Jen Rosendahl, JC Parker and Andrea del Rosario, Goin Bulilit, K and The Boxers, Blakdyak, Sheryn Regis, Mark Bautista, PBB Housemates Cass, Racquel and Sam.
Magiging host ng second part ng celebration sina Luis Manzano and Anne Curtis.
Pagkatapos ng programa, hanggang umaga tutugtog ang Rivermaya.
Kasama rin sa highlight ng programa ang taunang Mutya Ng Navotas.
"Ating ikonsidera ang ika-16 ng Enero 2006 bilang panimula ng 100 taon na darating para sa Navotas. Magsilbi muli tayong ginagabayan ng pangarap ng mga naunang namuno, upang maihanda ang tamang daan para sa bagong henerasyon ng Navotas.
"Isapuso rin natin ang mga salitang binitiwan ni Ralph Waldo Emerson Progress is the activity of today and the assurance of tomorrow," bahagi ng mahabang mensahe ni Mayor Toby sa kanyang mga kababayan.