Nakakainis po, kasi bakit nandoon sina Nene (Tamayo), Say (Alonso), Racquel (Reyes) at yung iba pa, e, di naman sila kasama sa pelikula? Siyempre po, moment nina Piolo at Juday yun, nakihati pa sila sa limelight?
Masyado na pong sikat ang mga PBB, dapat may sarili silang okasyon, hindi na dapat sila isinama sa Piolo at Juday premiere night, hinaing ng fan.
Ayon mismo sa fans na nakausap namin ay naaksidente raw ang ate ni Piolo galing sa pagi-scuba diving on the way to Manila para dumalo sa premiere night.
Kaya habang nanonood si Piolo, panay ang pindot sa cellphone kasi mino-monitor niya yung kapatid niya na itinakbo sa ospital. Kaya nga hindi rin nakarating ang mommy niya, yung isang kapatid lang ang nasa premiere night.
Nagmamadaling bumalik ng Maynila, me iniwasang sasakyan, nag-turn turtle sila, medyo grabe yung kapatid, hindi pa lang namin alam kung ano na ang nangyari, kuwento sa amin sa kabilang linya.
Ang binabanggit na ate ni Piolo na naaksidente ang siyang pinaka-close sa kanya kayat alalang-alala raw ito nung gabi.
Naitanong kasi namin sa bagong boyfriend ni Rochelle Pangilinan kung bakit hindi napagkikita ngayon ang kuya Zoren niya, may tinataguan ba ito?
Wala naman, wala naman kasi rin siyang offer, kaya nawala siya non, nag-aral siya ng filmmaking sa Bacolod, ngayong tapos na siya, sinuwerte namang nakapag-direk na siya.
Yung music video ng Brownman Revival na Lintik na Puso yun, siya ang nag-direk non. Tapos ipapasok din siya sa Huwag Kukurap bilang segment director din. So, don muna siya nagko-concentrate, paliwanag ni Kier.
At dahil paborito si Kier ng producer ng Daisy Siete na si Joy Cancio ay hindi na kami magtataka kung isang araw ay bigyan din ng raket si Zoren bilang director dahil bukod kay Kier ay ka-join na rin ang isa pang Legaspi sa season 10 ng DS na si Brandon Legaspi.
Halos araw-araw na laman sa mga pahayagan ang isyung ito at tyempo namang nakakwentuhan namin ang isang non-showbiz friend ni Heart na umamin daw sa kanya ang leading lady ni Jericho Rosales sa fantaseryeng Ang Panday.
Nagkita-kita kasi kami sa isang gig, hatinggabi na at nabanggit nga ni Heart na may malaki siyang problema, e, medyo maingay non, at dinig ko, four months siyang buntis kay Jericho, kuwento sa amin ng nakausap ng youngster.
Kung totoo man ito, nakakagulat dahil hindi naisip nina Heart at Echo na may mga career pa silang dapat ingatan, hindi man lang sila gumamit ng safe sex? At kung aalis nga si Heart patungong Amerika para roon isilang ang anak niya ay bilib kami dahil hindi niya ito ipalalaglag, at mas maganda rin siguro na aminin na lang niya ito para mas maging at peace siya habang hinihintay niya ang kabuwanan niya.
Bukas ang pahinang ito sa panig ni Heart. Regge Bonoan