"Ikaw na lang ang makipag-ayos (Becky) sa aking anak at sana ay matapos na ang inyong alitan. Tinext ako ni Becky at sinabing wala siyang alam nang magsalita laban kay Angel ang anak na kambal. Mahal ko ang aking anak at sanay huwag naman siyang siraan ni Becky.
"Kausapin mo rin ang daddy niya kung may problema kayo dahil nakikinig sa kanya si Angel. Sanay magkaayos na rin silang dalawa ni Angel," aniya.
Tumatanaw pa rin ng utang na loob si Angel kay Becky dahil sa mga naitulong nito sa kanya. Kung tutuusin nga ay ayaw nitong pag-usapan ang pinag-ugatan ng problema na nauukol sa pera.
Handa namang makipag-usap ni Becky sa alaga pero mas gusto niyang sila lang dalawa at gawin itong private.
Kaya nga narinig ng aking source na malapit lang sa kanila na nagyayaya nang umuwi si Orly Ilacad. Nagsabi pa ito ng "Umuwi na tayo dahil alam na natin ang takbo ng parangal."
Mabuti na lang at sa dakong huli ay sunud-sunod naman ang award na natanggap ng Kutob.
Nang tawagin si Marvin bilang Best Actor ay di ito nakapagsalita samantalang tilian nang tilian ang mga katabi nito.
Dun lang siya sumigla at inihandog pa nga ang award sa kambal at sinabing ikararangal siya kapag lumaki sila at napanood ang kanyang pelikula.
Nang matapos tanggapin ni Marvin ang award ay una nitong tinawagan ang inang si Teresita para ibalita ang pagkapanalo.
Puro mga bata ang nagugustuhan ng komedyante pero ayon sa kanya, "Age doesnt matter" pagdating saibig.
"Hindi ko kasalanan kung ma-in love uli ako kay Pauleen na mas bata uli sa akin. Handa ko naman patunayan kung gaano ko siya kamahal."
Kapag libre sa pelikula o TV shows ay abala ito sa mga concert at laging front act ni Marri Nallos. Tumatanggap din ito ng hosting job sa abroad para sa Filipino community. Bihira ang nakakaalam na isa siyang magaling na mang-aawit.
Nakikinig sa tuksuhan ang ex-girlfriend na naging karelasyon ng gwapong aktor na ex-hubby naman ng actress-politician. Kitang-kita ng aking source na nakasimangot ang ex-gf ng aktor habang tinutukso ng komedyante ang karelasyong aktres ngayon ng aktor.
Ibig sabihin, mahal pa rin ng aktres ang ex-bf na aktor kaya hanggang ngayon ay loveless pa rin ito kahit maraming manliligaw.