Joross, nakatakdang mag-migrate sa US?
January 10, 2006 | 12:00am
Katulad ni Kristine Hermosa, na kasama niya sa bagong drama series ng ABS CBN na Gulong ng Palad na nagsimula na ng airing kahapon, nakatakda ring mag-migrate ang buong pamilya ni Joross Gamboa sa US. Ito naman ay kapag naaprubahan na ang petisyon nila. Ito ang dahilan kaya kumukuha ng nursing si Joross. Nakakadalawang taon na siya sa pagna-nurse sa Global City Innovative College School of Nursing, in addition to his computer application course. Ito ang in demand na trabaho sa US at karamihan ng mga kamag-anak niya run ay mga nurse.
Habang naghihintay, alaga ni Joross ang kanyang acting career na nabibigyan ng malaking inspirasyon ng magandang relasyon nila ni Roxanne Guinoo. Sila ang isa pang loveteam na tampok sa Gulong.
"Challenged ako sa role ko, kaya di ako pwedeng mag-adlib o mag-kenkoy dahil seryoso ako rito," sabi niya.
Centennial year ng Navotas na pinamumunuan ni Mayor Toby Tiangco kaya may isang grand celebration silang inihahanda bilang pagdiriwang na ang pinaka-highlight ay ang inagurasyon ng Navotas Centennial Park sa C-4,. Brgy. Bagumbayan North.
Magsisimula ang pagdiriwang ngayon sa pamamagitan ng isang ecumenical mass. Araw-araw hanggang Enero15 ay may aktibidad book launching, calisthenics, street dancing, bird show, medical/dental mission, koronasyon ng Mutya ng Navotas, fireworks at kung anu-ano pa.
Sa Jan. 16, may magaganap na historial parade na sasalihan ng lahat ng sektor ng lipunan sa pamumuno nina Mayor Tiangco at Vice Mayor PJ Javier.
May dahilan para magdiwang ang mga taga-Navotas Cleanest and Greenest Municipality ito, Best Peace and Order Council, Best Municipal Jail, Best Municipal Police Station, Best Anti-Drug Abuse Council at marami pang iba.
Habang naghihintay, alaga ni Joross ang kanyang acting career na nabibigyan ng malaking inspirasyon ng magandang relasyon nila ni Roxanne Guinoo. Sila ang isa pang loveteam na tampok sa Gulong.
"Challenged ako sa role ko, kaya di ako pwedeng mag-adlib o mag-kenkoy dahil seryoso ako rito," sabi niya.
Magsisimula ang pagdiriwang ngayon sa pamamagitan ng isang ecumenical mass. Araw-araw hanggang Enero15 ay may aktibidad book launching, calisthenics, street dancing, bird show, medical/dental mission, koronasyon ng Mutya ng Navotas, fireworks at kung anu-ano pa.
Sa Jan. 16, may magaganap na historial parade na sasalihan ng lahat ng sektor ng lipunan sa pamumuno nina Mayor Tiangco at Vice Mayor PJ Javier.
May dahilan para magdiwang ang mga taga-Navotas Cleanest and Greenest Municipality ito, Best Peace and Order Council, Best Municipal Jail, Best Municipal Police Station, Best Anti-Drug Abuse Council at marami pang iba.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended