"I want to be a responsible father, someone na akala ko ay matagumpay kong nagampanan in the past. Kumakayod ako ngayon ng husto dahil sa kanila. I want them to be proud of me," ang wika ni Dino na kasama sa teleseryeng Tinig sa 4th season ng GMAs Now and Forever.
Kinamusta namin kung napawalang bisa na ang kanilang marriage ni Kim.
"Hindi pa po pero I am working on that. Ang unang dapat sigurong mangyari is for Kim to get a divorce dahil she is an American citizen. I have not gotten touch with her since she left for the United States. At least now, both of us can move on."
Kung sa sitcom na Bahay Mo Ba To ay taga-ayos ng gusot ng barkada ang role ni Dino, sa Tinig ay tiyak na kamumuhian ninyo siya.
"Toy boy ako dito ni Jennifer Sevilla and at the same time ay may masamang tangka kay Yasmien Kurdi. We have a rape scene here at ang hindi ko pa alam ay kung ano ang mangyayari sa aking karakter sa bandang huli. During taping time lang namin nalalaman kung ano ang mangyayari sa amin."
Happy si Dino dahil kahit hindi kabi-kabila ang kanyang assignments sa TV ay hindi naman siya pinababayaan ng GMA.
Papayag ba siya kung sakaling bigyan siya ng role bilang isang bading?
"Walang problema kahit anong role ang ibigay sa akin. Nakapag-bading na ako minsan nang maging guest ako in a drama series."
Ang Tinig ay kwentong hitik ng mga eksenang aantig sa puso ng televiewers. Kwento ito ng dalawang singer na sa bandang huli ay magkaka-alaman ng isang lihim tungkol sa kanilang mga pagkatao. Tampok sina Sheryl Cruz at Yasmien Kurdi bilang rival singers.
We look forward sa celebrity batch which is definitely more interesting to watch. Remy Umerez