^

PSN Showbiz

May hatak pa ba ang PBB housemates?

-
Hindi naghahanap ng kapuso si Dino Guevarra sapul nang maghiwalay sila ni Kim delos Santos dahil ang pinag-uukulan niya ngayon ng panahon ay ang pagpapalaki sa dalawang anak na lalaki.

"I want to be a responsible father, someone na akala ko ay matagumpay kong nagampanan in the past. Kumakayod ako ngayon ng husto dahil sa kanila. I want them to be proud of me," ang wika ni Dino na kasama sa teleseryeng Tinig sa 4th season ng GMA’s Now and Forever.

Kinamusta namin kung napawalang bisa na ang kanilang marriage ni Kim.

"Hindi pa po pero I am working on that. Ang unang dapat sigurong mangyari is for Kim to get a divorce dahil she is an American citizen. I have not gotten touch with her since she left for the United States. At least now, both of us can move on."

Kung sa sitcom na Bahay Mo Ba To ay taga-ayos ng gusot ng barkada ang role ni Dino, sa Tinig ay tiyak na kamumuhian ninyo siya.

"Toy boy ako dito ni Jennifer Sevilla and at the same time ay may masamang tangka kay Yasmien Kurdi. We have a rape scene here at ang hindi ko pa alam ay kung ano ang mangyayari sa aking karakter sa bandang huli. During taping time lang namin nalalaman kung ano ang mangyayari sa amin."

Happy si Dino dahil kahit hindi kabi-kabila ang kanyang assignments sa TV ay hindi naman siya pinababayaan ng GMA.

Papayag ba siya kung sakaling bigyan siya ng role bilang isang bading?

"Walang problema kahit anong role ang ibigay sa akin. Nakapag-bading na ako minsan nang maging guest ako in a drama series."

Ang Tinig ay kwentong hitik ng mga eksenang aantig sa puso ng televiewers. Kwento ito ng dalawang singer na sa bandang huli ay magkaka-alaman ng isang lihim tungkol sa kanilang mga pagkatao. Tampok sina Sheryl Cruz at Yasmien Kurdi bilang rival singers.
* * *
Biniro namin si Eddie Garcia na dapat na subtitle ng Blue Moon ay Wish Ko Lang dahil sa paghahanap niya kay Corazon, ang babaing pinakamamahal niya. Isa itong pelikula na pang-award ika nga ang mga acting na pinamalas nina Eddie, Christopher de Leon at Dennis Trillo. May nagwiwikang si Dennis ang heir to the throne ni Boyet bilang isang dramatic actor.
* * *
We doubt kung may hatak pa ang mga housemates ng Pinoy Big Brother na ngayon naman ay pilit na pinaaarte via drama special. Tama na. Tapos na ang reality search at nagkaroon na ng winner. The one who has a good chance to become a star is Sam Milby because of his good looks at may talent din naman sa pagkanta.

We look forward sa celebrity batch which is definitely more interesting to watch. — Remy Umerez

BAHAY MO BA TO

BLUE MOON

DENNIS TRILLO

DINO

DINO GUEVARRA

EDDIE GARCIA

JENNIFER SEVILLA

TINIG

YASMIEN KURDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with