Wala pa kaming nababasang pintas sa Blue Moon at kung mayroon man ay very minor lang ang mga ito. Higit ding pinapurihan ang pagganap ni Dennis Trillo bilang anak na may kimkim na hinanakit sa kanyang ama na si Boyet de Leon. Mas mahusay pa nga raw ito kay Boyet na mahigpit na tinututulan ni Dennis dahil as far as he is concerned walang pwedeng tumawad sa kakayahan ni De Leon sa pagganap. Inspirado siya dahil pawang magagaling ang kasama niya sa Blue Moon.
Isang bagay ang aming ipinagtataka. Hindi Rated A ang naging grado ng Blue Moon mula sa Cinema Evaluation Board. Kung sabagay, ilang Rated A na pelikulang local na ba ang kumita sa takilya? Meron na ba?
Another highlight ay ang Acoustic Medley ng "Pagdating Ng Panahon" (Aiza Seguerra), "Moonlight Over Paris" (Paolo Santos), "Let Me Be The One" (Jimmy Bondoc) at "Nasaan" (Nyoy Volante). Isa itong tribute sa mga acoustic singers na nagpasikat ng mga nabanggit na awitin.
No MYMP concert would be complete kung hindi isasama ang kanilang mga hit songs tulad ng "A Little Bit", "Beauty And Madness" and "Tell Me Where It Hurts".
Taon ang binilang bago naging sikat ang MYMP: Juris at Chin. Last year lang sila nagkaroon ng major concert. Una ay sa Music Museum na hindi mahirap punuin at noong Nobyembre nga sa Araneta Coliseum na dinumog ng mga supporters ng sikat na duo. 17,000 ang pwedeng ilaman ng Big Dome at ito ay napuno.
Kaya naman, may repeat ang Especially For You Concert ng MYMP sa darating na Feb. 3, 2006.
Mga bida sina Kristine Hermosa at TJ Trinidad. It is interesting to know kung gaano kalaki ang simpatiya ng televiewers kay Kristine after several negative publicities on her noong lumipas na 2005. REMY UMEREZ