"Hindi na lang namin pinapansin," panimula ni Gary sa presscon ng Tinig, ang ika-4th season ng Now & Forever.
"Pero, siguro kahit magkatotoo ito ay di pa rin namin papansinin. Ang mahalaga kasi ay kung paano namin iha-handle ang sitwasyon.
"Hindi ko naman sasabihin na hindi kami nag-aaway ni Bernadette. Ang madalas naming pag-awayan ay pulitika. Pagdating kasi dito ay sarado na ang isip ng asawa ko. Lagi niyang sinasabi na sa halip na pulitika ay ang future namin ang paghandaan namin.
"Sa ngayon, I am thinking of my options, baka hindi na rin ako tumakbo at mag-concentrate na lamang sa aking career.
"Pumasok na rin kaming mag-asawa sa negosyo. May binuksan akong parlor para sa asawa ko na sinabayan din niya ng negosyo ng garments. Binuksan ko na rin ang opisina ko sa San Juan," dagdag pa ng aktor na bukod sa kanyang comeback sa local showbiz ay nakagawa rin ng isang Malaysian TV show at isang British film. Parehong di pa ito naipapalabas.
"Ewan ko ba parang nalilinya ako sa mga roles na tinatanggihan ng iba. Yung Malaysian TV assignment para kay Albert Martinez yun. Hindi niya nagawa kaya inoffer ito sa akin ni Kitchie Benedicto.
"Yung British film naman dapat ay kay Monsour del Rosario, di siya pinayagan ng network na pinagtatrabahuhan niya kaya napunta na naman sa akin.
"Okay lang sa akin maging second choice. Trabaho ito at sa panahong ito na mahirap at mahina ang showbiz dito sa atin, malaking blessing na yung makakagawa ako internationally."
Isa siyang composer sa Tinig, inibig ng isang sikat na singer na nagkaron ng malaking problema sa kanyang career nang mabuntis niya ito. Gusto ng ambisyosang ina ng singer na ipamigay ang bata makatapos na isilang niya ito.
Kasama ni Gary sa serye na mapapanood simula Enero 9, Lunes- Biyernes, GMA7 sina Sheryl Cruz, Yasmien Kurdi, Sandy Andolong, Jay Aquitania, Ailyn Luna, Tin Arnaldo, Ian Veneracion, Jennifer Sevilla, Dino Guevarra, Jan Marini, Allan Paule at Neil Ferreira.