Manager ng Sexbomb, producer sa TV at may-ari na ng isang theater-bar ang dating reyna ng sayaw na si Joy Cancio!

Dating nagrereyna sa pagsayaw si Joy Cancio, manager ng Sexbomb at producer ng Focus E Inc. producer ng programang Daisy Siete. Inilalampaso talaga ni Joy ang sinuman pagdating sa sayawan.

Subalit dumating ang panahong napagod na siya sa kasasayaw, kaya’t nagtatag ng Sexbomb Dancers na mainstay sa Eat Bulaga. Tumuklas siya ng mga kabataang babae na may abilidad sa pagsasayaw. Ipinamana niya sa mga ito ang kanyang anting-anting sa pagsasayaw.

Isa na si Rochelle Pangilinan na batikang-batikan pagdating sa sayawan. Nariyan din si Jopay, Izzy, Weng, Evette, Aira, Cheche, Johlan, Sunshine at iba pa.

Sabi nga ni Joy, di naman puwedeng forever young ka kaya kailangang isalin niya sa iba ang kanyang abilidad. Jack of all trades si Joy. Kahit saan mo siya isabak, okey lang siya. Naririyang tumulong siyang magdirek ng Daisy Siete kay Pat Perez na matagal na niyang kaibigan.

"Nagtutulong kaming dalawa na sumubok mag-TV show na tipong drama," kwento ni Joy. Hindi naman akalain ng dalawa na puputok pala ang naisipan nilang Daisy Siete at umabot pa ng Season 9. Ngayon nga, inihahanda nila ang season 10. Magkakatulong sila ng pagbibigay ng ideas sa istorya. Si Suzette Doctolero at Ana Lea Nadela ang magkatulong sa paggawa ng istorya.

"Naku, hindi po biro ang gastos namin. Malalaking artista ang ipinangsusuporta ko sa aking mga alaga." At ang setting o location, hindi raw barya ang bayad. Libu-libo raw. "Pero, okey lang dahil sulit naman dahil marami ang nagagandahan at nagre-rate pa nga ang show."

Hindi sila gumagamit ng bulaklak na plastik kapag may garden scene o may flower vase kaya. Bumibili talaga sila sa Baguio.

Ngayon, nagtatag sila ng Mugen Bar, sa Metro Walk Pasig, katuwang ang dating artista na si Mitzi Oyosso. Malalaking singers din at banda ang kinukuhang mag-guest dito para maging bongga sa public. Ang maganda kay Joy, nananatiling nakatungtong sa lupa ang kanyang mga paa. VIR GONZALES

Show comments