Bilang grand prize winner ng Star In A Million, dinudumog ng kanyang mga tagahanga at supporters ang bawat niyang palabas. Sa ginawa niyang Paskong Pasasalamat sa Marikina Riverbanks, mahigit sa 10,000 tao ang nanood.
Ang kanyang debut album na "This Is The Moment" ay nag-prodyus ng mga hits songs na "Pagbigyan Muli", "This Is The Moment", "I Believe I Can Fly", "Kung Akin Ang Mundo" at "Di Ko Kaya". Ang mga awiting "Loving You Now" at "I Will Never Leave You" mula sa kanyang 2nd album na "Loving You Now" ay ginamit na theme songs ng mga telenovelang Stained Glass at Green Rose.
Believe sa kanya ang maraming sikat na artists dahil iginawa nila siya ng kanta. Tulad ni Vehnee Saturno na gumawa ng "Goodbyes Not Forever", "Martin Nievera na gumawa ng awiting "Mystery", Ogie Alcasid, ang komposer ng "Bakit Iniibig Ka", isang duet nila ni Regine Velasquez at si Jimmy Antiporda na gumawa ng Whos Loving You Now".
Nakapag-perform na rin siya sa stage kasama sina Sharon Cuneta, Martin Nievera, Pops Fernandez, Kuh Ledesma, Regine Velasquez at marami pang iba.
Kari-renew pa lamang niya ng kanyang kontrata sa BPI bilang official endorser ng BPI Expat Pinoy Program. Mapapanood na ang TV commercial nito.
Ika-18 taon na itong ginagawang annual activity ng journalist-talent manager na si Bibsy Carballo na ang mga tumatanggap ng biyaya ay mga anak ng marginalized families. Sa taong ito, nakipagtulungan siya kay Ms. Boots Anson Roa.
Graduate na si Champagne ng psychology sa La Salle.