Araw gabi nang mapapanood si Gary sa TV!

Kaarawan ni Sharon Cuneta sa January 6 at sa nasabing petsa’y 40 years old na siya. To celebrate her special day, isang malaking selebrasyon ang ibibigay sa kanya ng ABS-CBN. Isang TV special na magsisilbing tribute na rin sa megastar at pinamagatang Ang Pagbabalik ng Bituin ang gagawin sa ULTRA at mapapanood sa Jan. 8, Sunday.

Star-studded ang TV special at nangunguna sa line up ng guests ni Sharon ang friend na si Zsazsa Padilla. Ang iba pang ipina-plug na guests ay sina Aga Muhlach, Piolo Pascual, Sarah Geronimo, Erik Santos, Nina, MYMP, Rachelle Ann Go, Hale, Cueshe, Paolo Santos, Kitchie Nadal, Agot Isidro, Sam Milby, Willie Revillame, Cesar Montano at marami pang iba. Musical treat ito sa rami ng guest singers and bands.

Wala sa hitsura ni Sharon na magpu-40 na siya at magandang malaman ang feeling at plano niya now that she’s 40.

Naalala namin sa birthday niya last year, tatlong lucky letter senders ang kanyang pinasaya nang i-grant niya ang wishes nila. Ano naman kayang sorpresa ang mapapanood natin sa selebrasyon ng kaarawan ng megastar?
* * *
Sa manager na si Popoy Caritativo, dapat magpasalamat si Gary Estrada sa sunud-sunod niyang TV project. Bukod sa Etheria, mapapanood na rin siya sa Season 4 ng Now & Forever (Tinig) na magsisimula sa January 9.

Gagampanan niya ang role ni Angelo at leading man ni Sheryl Cruz. Composer siya rito at singer si Sheryl at sila’y magkaka-inlaban pero, hindi papabor ang mother ni Sheryl na si Sandy Andolong. Magkakaanak sila pero, hanggang dito na lang ang aming kuwento’t baka magalit na ang staff at pini-preempt namin ang viewers ‘di pa man nagsisimula ang airing nito.

Kaya, simula Jan. 9, dalawang beses sa isang araw mapapanood si Gary. Pang-hapon ang N&F at gabi ang Etheria. Ang ganda ng Bagong Taon ng actor! 
* * *
Naniniwala kaming pansamantalang nawala sa plano ni Ronnie Ricketts ang pagma-migrate nilang mag-anak sa States dahil hindi na lang pelikula ang kanyang pinagkakaabalahan. Pati musika’y pinasok na rin ng actor-director.

Isa siya sa mga producer ng "Serious," ang jazz album ng friend niyang si Dinky Doo. Prolific si Ronnie at ini-expect naming may composition din siya sa 10-track album pero, majority of the songs will be composed by Dinky’s sibling na si Artstrong

Nagulat din ba kayong malamang kuya ni Artstrong si Dinky gaya nang pagkagulat namin? Kaya sabi ni Dinky, Big Brothers ang drama nilang dalawa. Ang carrier single "Na Metring" pa lang ang nari-record ni Dinky at sa February pa ang release ng album at sa March ang big launching pero, ngayon palang, nag-iingay na ito para bumenta ang kanyang album.

Bago ang release ng kanyang album, may show sa Tokyo at Nagoya, Japan si Dinky kasama sina Ronnie, Mariz at Carlos Morales. Ganoon daw ka-solid ang grupo ng cast ng Lagot Ka Sa Kuya Ko’t pati show sa abroad ay magkakasama sila.
* * *
May rift ang dalawang female young star na ito dahil sa lalaki. Nagalit si female young star A kay female young star B dahil niligawan ito ng kanyang ex-boyfriend na isang actor-model. Kahit walang kasalanan si YSB, dahil wala na silang relasyon ng dating nobyo ni YSA, imbyerna pa rin sa kanya si YSA.

Heto ngayon ang nakakatuwa, pareho na silang nasa iisang network pero, patuloy silang nagdi-dedmahan kahit nagkakasama minsan sa dance number. Hindi aware ang mga kasama ng dalawa sa show na kaya sila nagdi-dedmahan, dahil sa lalaki.

Show comments