Nag-watch kami last December 27, at fabulous ang show as in nakaka-impress ang mga magic nila.
Actually, hindi ako masyadong nanonood ng magic show pero this time, siniguro kong manood.
Impressed ako don sa The Majestix na pinagpalit ang katawan ng dalawang dancer after na hatiin ang kanilang katawan sa harap ng audience. Amazing. After non, tumayo na sila as if hindi pinagpalit ang katawan nila.
Hindi naman puwedeng sabihing dinaya dahil nakita sila ng audience na pinutol ang katawan at nag-swap ng katawan.
Ok din yung ginagawa ng Human Design. Nakakabaliw yung ginagawa nila ha! Ako ang natatakot for them. Feeling ko, any moment mahuhulog sila.
Kahit saan daw magpuntang bansa ang Spellbound, isa ang Human Design sa favorite ng crowd.
The group ay binubuo nina Miguel Soler, Slawek Kielbasinski and Krystof Suszek.
Ok din ang Los Gauchos. In fairness, nag-effort silang mag-aral ng Tagalog. Thanks to Ian Fariñas na nag-lecture sa kanila kung paano magpi-please ang Filipino audience.
Basta, ilan lang yun sa exciting part ng show. Go na kayo sa Araneta dahil everyday ang show up to January 8 (except today).
Parang kakaibang Judy Ann ang mapapanood dito. At maging si Piolo, parang ibang character ang pino-portray.
Actually, hindi lang pala ako ang nakapuna. Kahit si Jojo Gabinete ay excited ding panoorin ang movie.
Kung sabagay si Direk Joyce Bernal ang nag-handle ng movie. Kilala si Direk Joyce sa paggawa ng mga kilig movie na nagiging malaking hit sa takilya. Ganitong movie talaga ang forte ni Direk Joyce. Tapos kinikilig pa si Direk sa team up nina Juday and Piolo kaya siguro na nag-register sa screen ang napi-feel ni Direk Joyce.
Para kasing hindi mo mapi-feel sa movie na very much in love si Juday ngayon kay Ryan Agoncillo.
Matagal ding walang movie sina Juday at Piolo kaya maraming rason para panoorin ang Dont Give Up On Us.
If you recall, sumubsob si Ella V. sa isang challenge sa Extra Challenge. At kahit nagdurugo na ang face niya, tuloy pa rin siya sa competition. As in wa siya care kung may pain siyang nararamdaman. Kaya nga saludo sa kanya si Paolo Bediones sa pagiging professional niya.
Anyway, busy ngayon si Ella V. sa taping ng teleserye nina Judy Ann Santos and Piolo Pascual. Gaganap siya bilang bestfriend ni Juday.
"Excited ako. Imagine sina Judy Ann and Piolo ang kasama ko ngayon," sabi ni Ella V.
Isa si Ella V. sa pinaka-visible member ng Hot Babes.
Sayang ang Ako Legal Wife. Ang daming nagsasabi na sila ang siguradong mananalo sa major awards. Eh kung mas maaga ang naging awards night, malamang mas malaki pa ang kitain nila.
Ang ganda kasi ng feedback ng movie. Ang galing daw ni Zsazsa Padilla. Sayang lang at wala pa akong chance na panoorin ang movie.
Wish ko lang na magbago naman sila ng style. Please lang. Kasi kung ganon din lang, puwede na rin kaming manghula.
At any rate, maging masagana at mapayapa ang taong papasok para sa ating lahat. Marami pa sana tayong matanggap na blessing sa tulong ng Diyos.
A Prosperous New Year to everybody.