Ginagampanan ni Andrea ang role ni Mimi, unang ginampanana ni Beth Bautista.
"Sayang, di ko nasabunutan si Kristine pero, nahila ko ang buhok niya sa isang eksena namin," masayang kwento ni Andrea. "Most of my scenes are with Carding."
Hindi sexy ang role niya sa serye, "Nakapagsuot lang ako ng bathing suit at mga damit na may plunging neckline," sabi niya. But she gets to kiss almost all the guys in the series. "Yung halikan namin ni TJ parang sobra para sa TV. I also get to kiss Rico Barrera (ng Pinoy Big Brother). Alam nyo, nanginginig siya bago ang eksena namin. I tried to relax him pero, dahil bago siya hindi siya masyadong na-relax. Naawa tuloy ako sa kanya. Mas better performer si TJ, but then mas matagal na siyang artista kaysa kay Rico," dagdag pa ng Hot Babe.
Ikinwento rin ni Andrea na binabalikan siya ng Frenchman na naging boyfriend niya nun pero, ayaw niya. "Seryoso na kasi siya, niyayaya na akong pakasal eh, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko, gusto ko pang magtagumpay sa career ko.
"Nakatira siya sa Bangkok, andun kasi ang trabaho niya. Kung magpapakasal kami, I will have to go with him, paano ang career ko?" sey niya.
Kamakailan ay pinasok na rin ni Cesar ang Hollywood nang mapasali siya sa pelikulang The Great Raid. Dahil sa kanyang tagumpay bilang artistat direktor, karisma sa masa at paglingon sa kanyang pinanggalingan bilang ordinaryong Pinoy na naghangad na bumangon sa hirap, pinili siyang huwaran at endorser ng TM, isang prepaid cellphone brand na ang TM-to-TM calls ay mas mura kaysa iba.