^

PSN Showbiz

Nanginig si Rico Barrera nang halikan ni Andrea!

- Veronica R. Samio -
Ipinagkakapuri ni Andrea del Rosario ang pagkakakuha niya ng main kontrabida role sa bagong serye ng ABS CBN na Gulong ng Palad, topbilled by Kristine Hermosa and TJ Trinidad with a strong support cast (Raquel Villavicencio, Cherrie Gil, Rio Locsin, Roxanne Guinoo, Joross Gamboa, etc.).

Ginagampanan ni Andrea ang role ni Mimi, unang ginampanana ni Beth Bautista.

"Sayang, di ko nasabunutan si Kristine pero, nahila ko ang buhok niya sa isang eksena namin," masayang kwento ni Andrea. "Most of my scenes are with Carding."

Hindi sexy ang role niya sa serye, "Nakapagsuot lang ako ng bathing suit at mga damit na may plunging neckline," sabi niya. But she gets to kiss almost all the guys in the series. "Yung halikan namin ni TJ parang sobra para sa TV. I also get to kiss Rico Barrera (ng Pinoy Big Brother). Alam n’yo, nanginginig siya bago ang eksena namin. I tried to relax him pero, dahil bago siya hindi siya masyadong na-relax. Naawa tuloy ako sa kanya. Mas better performer si TJ, but then mas matagal na siyang artista kaysa kay Rico," dagdag pa ng Hot Babe.

Ikinwento rin ni Andrea na binabalikan siya ng Frenchman na naging boyfriend niya nun pero, ayaw niya. "Seryoso na kasi siya, niyayaya na akong pakasal eh, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko, gusto ko pang magtagumpay sa career ko.

"Nakatira siya sa Bangkok, andun kasi ang trabaho niya. Kung magpapakasal kami, I will have to go with him, paano ang career ko?" sey niya.
* * *
Malaki ang naitulong ng pagiging endorser ni Cesar Montano ng TM cellphone dahil sa kabila ng kanyang kaabalahan, hindi nawawala ang komunikasyon niya sa kanyang pamilya. "Madalas ko silang tawagan dahil palagi ko silang nami-miss, lalo’t nasa malayo ako’t nagso-shooting. Hindi ako mapakali kapag di ko sila nakamusta, lalo na ngayong may bago kaming baby," sabi niya.

Kamakailan ay pinasok na rin ni Cesar ang Hollywood nang mapasali siya sa pelikulang The Great Raid. Dahil sa kanyang tagumpay bilang artista’t direktor, karisma sa masa at paglingon sa kanyang pinanggalingan bilang ordinaryong Pinoy na naghangad na bumangon sa hirap, pinili siyang huwaran at endorser ng TM, isang prepaid cellphone brand na ang TM-to-TM calls ay mas mura kaysa iba.

vuukle comment

ANDREA

BETH BAUTISTA

CESAR MONTANO

CHERRIE GIL

GREAT RAID

HOT BABE

JOROSS GAMBOA

KRISTINE HERMOSA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with