^

PSN Showbiz

Baka kailangang bumalik sa formula movies

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
May mga naniniwalang ang kailangan daw siguro ay muling gumawa ng pelikula at maging aktibo ang mga superstars para mabuhay na muli ang industriya ng pelikulang Pilipino. Kailangan daw siguro pausuhin ulit ang mga pelikulang drama na talaga namang siyang naging malalaking hits noong araw pa.

Pero ang tanong, sino nga ba sa mga itinuturing na magagaling na dramatic stars ang maaaring gumawa ng pelikula para pasiglahin ang industriya?

Hindi puwedeng asahan si Nora Aunor, dahil sumasailalim siya sa rehab and counselling sa US kaugnay ng naging kaso niya roon sa bawal na droga.

Si Maricel Soriano naman, kung ano man ang chances niya sa pelikula ay nasira dahil naisama siya sa isang tv drama na ni hindi naman nag-rate kaya inalis din agad.

Kaya nga ang sinasabi nila, ang maaari na lamang magbalik ay si Sharon Cuneta. Kaunting diet pa, puwede na si Sharon. Pero huwag na muna siyang gagawa noong mga pelikulang pang-award. Isipin na muna sana niya ang pelikulang babatak sa boxoffice. Eh ano ba kung tinatawag iyong formula movies? Sa ngayon, iyon ang kailangan ng industriya ng pelikulang Pilipino, para muling mabuhay iyon. Kailangang muli ng isang artistang hindi lamang tinitilian kung di pinapasok ang mga pelikula.

Kailangan nga siguro yong mga artistang tried and tested kagaya ni Sharon, pero ang kailangan niyang gawin ay iyong formula ring siguradong kikita. May mga nagawa siyang naiibang concept. Maganda sa tingin niya dahil naiiba nga sa karaniwang kanyang ginagawa, pero hindi naman masyadong kinagat ng publiko ang ganoong formula.

Ang kailangan ni Sharon iyong mga pelikula niya noong araw na ginagawa nina Leroy Salvador, Maning Borlaza at Eddie Garcia.
* * *
Nagpadala nga ng season pass ang Metro Manila Film Festival ngayon, hindi kagaya noong nakaraang taon na totally ignored ang majority ng press people, pero makikita mo pa rin ang discrimination. Yong ipinadala nilang season pass ay may nakatatak na "valid only on December 25, 26 and 27. January 1, 2 and 3". Ibig sabihin hindi na kagaya noong araw na magagamit mo iyon sa kabuuan ng festival, kung di sa anim na araw lang na gusto nila.

Nakatatak lang iyon, kaya naniniwala kami na may binigyan sila ng season pass na walang tatak, at magagamit araw-araw. Kasi kung ganoon lang talaga ang passes nila, dapat naka-imprenta na rin iyong dates, hindi nakatatak lamang.

Natanggap namin iyon noong December 27, ibig sabihin tatlong araw na lang naming magagamit iyon. Para bang sinabi, hindi bale na lang huwag na naming panoorin ang kanilang mga pelikula. Wala ring kuwenta.
* * *
Hindi nga raw maikakaila ng isang dating matinee idol ang katotohanang lumalabas na ang tunay niyang katauhan mula sa kanyang naka-kandadong closet. Hindi magtatagal, magsu-suot na rin yan ng bra at half slip.

Kung sa bagay, sa kanilang school pa lang noong araw may tsismis pa ngang namboboso yan ng kapwa niya lalaki sa CR. Kaya noon pa man, talagang bading na yan, ngayon nga lang lumalabas.

ARAW

EDDIE GARCIA

KAILANGAN

KAYA

LANG

LEROY SALVADOR

MANING BORLAZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with