^

PSN Showbiz

Karylle, muntik masunog habang gumagawa ng komersyal!

- Veronica R. Samio -
Naging extremely challenging kay Karylle ang shooting ng kanyang komersyal ng Rexona ActivReserve campaign na kung saan ay isa siyang heroine na hindi makalabas-labas sa isang nasusunog na science laboratory. Halos umabot sa balat niya ang apoy na nagtatalunan sa paligid niya. "The fire was so close to my face. Pero, sobrang bait ng mga tao who made sure that I was safe all the time," ani Karylle.

Hindi rin madali ang pinagdaanan ng dalawang nakasama niya sa nasabing komersyal– sina Iza Calzado at Yasmien Kurdi. Si Iza damsel in distress ang drama habang nakakulong sa isang nakakatakot na mansyon. Si Yasmien naman ay nasa gitna ng barilan at putukan.

Para makumpleto ang star-studded line-up ng commercial campaign, isinama si Paolo Bediones who portrays himself, as the host of Extra Challenge.
* * *
Sayang at di na nakita pa ni Reyster Langit ang katuparan ng kanyang pangarap, ang magawaran ng award bilang isang broadcaster. Bago ito yumao ay biniro pa ang ama (Rey Langit) na siya naman ang susunod dito na mabibigyan ng pagkilala sa kanyang trabaho.

Nung buwan ng Hunyo, ginawaran si Reyster ng Rotary Club of Manila ng isang posthumous award para sa kanyang dedikasyon sa pinaka-mataas na antas ng pamamahayag at pagbibigay ng serbisyo-publiko sa pamamagitan ng isang dokumentaryo tungkol sa epidemya ng malaria sa isang tribo ng katutubo sa Singnapan, Palawan.

Ika-24 naman ng Oktubre nang parangalan si Reyster ng Catholic Mass Media Awards para sa paghahandog niya ng buhay sa larangan ng pamamahayag.

Nang sumunod na araw, Okt. 25, binigyan siya ng parangal ng KBP Golden Dove Awards. Dahilan sa kanyang huling ulat nanalo ang programa nilang mag-amang, ang Kasangga Mo Ang Langit, ng Best Public Affairs Program.

Sa nakalipas na Southeast Asian Foundation for Children’s Television Anak TV Seal, ginawaran din ang yumao ng isang posthumous award. Nagwaging muli ang Biyaheng Langit ng Anak TV Seal award sa ikatlong pagkakataon.

Matatandaang namatay si Reyster sa LA, Calif. nung nakaraang Hunyo sa malaria na kanyang nakuha habang ginagampanan ang kanyang misyong sagipin ang buhay ng daan-daang katutubo sa Palawan. Ang kanyang pagpanaw ay nagbunsod sa malawakang kamalayan at aksyon sa buong bansa ukol sa laban sa nakakamatay na sakit na malaria.

Ipagpapatuloy ng kanyang ama na si Rey at kapatid na si JR Langit ang nasimulang proyekto ng yumaong broadcaster.

Ang Kasangga Mo Ang Langit ay mapapanood, Huwebes, 11NG at ang Biyaheng Langit, Sabado, 4NH sa RPN 9.

BEST PUBLIC AFFAIRS PROGRAM

BIYAHENG LANGIT

CATHOLIC MASS MEDIA AWARDS

EXTRA CHALLENGE

GOLDEN DOVE AWARDS

HUNYO

KANYANG

KASANGGA MO ANG LANGIT

REYSTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with