Okey lang sa kanya yong pangungulit ni Rochelle kung saan siya bumibili ng damit. Magaganda ang mga damit na isinusuot nito sa serye. Maniniwala ba kayong nakakaisang daang damit na yata ang naisusuot ni Manay Celia sa Daisy Siete lang?
"Syempre naman si Donya ang papel ko, kailangan iba-iba talaga ang suot ko," anang premyadong aktres na weakness pala talaga ang magagandang damit. Kahit saang lugar daw siya mapunta, sadya niyang hinahanap ang tindahan ng damit.
Mayamang lola ang papel niya sa Pitong Maria na hinahanap ang mga apong naiwan ng yumaong anak. Sa pamamagitan ng isang kwintas ay nakilala niya kung sino ang tunay niyang apo at ang peke.
Tampok din sina Glydel Mercado at ang bini-build up ng Focus Inc. na DJBomb, sina Danielle at Jovel Palomo. Lumalaban din ng acting ang dalawang ito.
"Magaling na mga bata yang Sexbomb. Malayo ang mararating nila," pahayag pa ng magaling na aktres. VIR GONZALES