^

PSN Showbiz

Sexbomb, pinuri ng premyadong aktres!

-
Masayang tinanggap ng mga Sexbomb na sina Rochelle, Jopay, Izzy, Evette, Sunshine at Jaque ang balitang nagdagdag pa ng number of tapings ang Pitong Maria Daisy Siete. Mataas pa kasi ang rating nito kaya di dapat tapusin kaagad. Maging si Celia Rodriguez ay happy dahil matatagalan pa ang pagsasama nila ng Sexbomb.

Okey lang sa kanya yong pangungulit ni Rochelle kung saan siya bumibili ng damit. Magaganda ang mga damit na isinusuot nito sa serye. Maniniwala ba kayong nakakaisang daang damit na yata ang naisusuot ni Manay Celia sa Daisy Siete lang?

"Syempre naman si Donya ang papel ko, kailangan iba-iba talaga ang suot ko," anang premyadong aktres na weakness pala talaga ang magagandang damit. Kahit saang lugar daw siya mapunta, sadya niyang hinahanap ang tindahan ng damit.

Mayamang lola ang papel niya sa Pitong Maria na hinahanap ang mga apong naiwan ng yumaong anak. Sa pamamagitan ng isang kwintas ay nakilala niya kung sino ang tunay niyang apo at ang peke.

Tampok din sina Glydel Mercado at ang bini-build up ng Focus Inc. na DJBomb, sina Danielle at Jovel Palomo. Lumalaban din ng acting ang dalawang ito.

"Magaling na mga bata yang Sexbomb. Malayo ang mararating nila," pahayag pa ng magaling na aktres. – VIR GONZALES

CELIA RODRIGUEZ

DAISY SIETE

FOCUS INC

GLYDEL MERCADO

JOVEL PALOMO

MANAY CELIA

PITONG MARIA

PITONG MARIA DAISY SIETE

SEXBOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with