Nevertheless, career pa rin ang priority ni Anne. Maraming plano para sa kanya ang Viva for the coming years. Bukod sa mga pelikula, magkakaron muli siya ng serye, kasunod ng Kampanerang Kuba.
"Nagbunga na ang aming walang takot na pangri-raid. Walang publicity at tuluy-tuloy ang ginagawa naming ito para masupil ang mga kababayan nating walang takot sa pamimirata," ani Edu.
Matapos ang dalawang taong pagiging inactive dulot ng pakikibaka niya sa sakit na cancer, ire-record niya ang kanyang unang single, isang danceable pop number. Magsisimula na ring igawa siya nga kanta ng mga well-known songwriters at mga fellow singer-friends niya para sa kanyang unang album.
Bukod sa recording, napili si Hanni na maging celebrity endorser ng IJ Magic Cream na nagpaputi ng mga dark spots ng katawan sa loob lamang ng pitong araw.
Isang taon ang kontrata niya sa Saramed Pharmaceuticals, local distributor ng nasabing magic gel. Nakasaad sa kanyang kontrata na bawal na siyang maghubad sa mga pelikula.
Natapos na niya ang pelikulang Shut Up, I-Memorize Mo Yan under Starboard Films tampok ang mag-amang Paquito at Joko Diaz. May gagawin din siyang isang digital film ng award winning scriptwriter na si Jun Lana na pinamagatang Monaliza, MMS kasama sina Paolo Paraiso, Katrina Halili, Luis Alandy at Terence Baylon. Ipalalabas ito sa mga international film festivals, partikular na sa Bangkok Film Festival sa Thailand.
Abala ngayon si Hanni sa mga out of town shows. Naghahanap na rin siya ng mga materyales para sa kanyang pop album.
May scheduled bar tour siya para sa IJ Magic Cream. Para sa mga detalye para sa nasabing produkto, tumawag sa 09217697254/09216069233 at hanapin si Irene Reyes.