Open na ang panliligaw ni Mark sa magandang aktres kaya lang hindi lang alam ni Marian kung tapat ba sa panunuyo ang aktor.
Niregaluhan ng polo ni Marian ang aktor samantalang kahit text message ay hindi man lang binati ni Jennylyn ang ex-boyfriend.
"Hindi pain ang nararamdaman ko kundi ligaya. As long as shes happy, Im happy too," pahayag ni Piolo sa presscon ng Dont Give Up On Us.
Idinagdag pa rin nito na saludo siya kay Juday dahil malaki na ang ipinagbago nito ngayon.
"Mas maganda siya dahil in-love. Shes more responsible, more independent. Shes really a fighter kahit nakikitang paiyak-iyak sa TV," ani Piolo.
Kapag ikinasal ang kanyang screen partner at imtibado siya ay pupunta siya.
Ang Dont Give Up On Us ay pelikulang muling magpapatunay kung gaano katatag ang pagtatambal nina Piolo at Juday na pambuena mano ng Star Cinema sa susunod na taon.
Nung Lunes ay tumungong Boracay ang magandang aktres para magbakasyon sandali kasama ang kanyang pamilya hanggang December 30 sila roon. Regalo niya ito sa kanyang pamilya ngayong Pasko. Kapiling pa rin ni Angel sa New Year ang pamilya para makabawi at mabigyan sila ng quality time.
Ang kanyang wish ngayong Kapaskuhan ay patuloy sanang gumanda ang kanyang career. Nakabili na ito ng lote sa South Forbes Golf City sa Sta. Rosa, Laguna na patatayuan niya ng bahay bakasyunan. Masinop sa buhay ang aktres kaya nakakapag-ipon ng pera.
Malaki ang nagawa ng Darna sa buhay ni Angel dahil dito nagsimula ang malaking tagumpay niya at nagkaroon ng katuparan ang mga pangarap niya sa buhay.