Sa kabila ng kanyang kaabalahan, nagsimula na ng isang negosyo si Cherry Lou, nagbukas siya ng isang shift crew manning agency na pinangalanan niyang Unicol Management Services Incorporated. "Paghahanda lang para sa future," ani Cherry nang makausap ko recently. "Napaka-unstable ng showbiz. Mabuti na yung may fall back ako kung saka-sakali," dagdag pa niya.
Maraming nagsasabi na problemang makatrabaho si Cogie pero walang naging problema sa kanya ang kanyang direktor sa Mourning Girls na si Gil Portes. Maaga siyang dumarating sa set. Kung nali-late siya, mga 15 hanggang 30 minutes lang na hindi naman naapektuhan ang schedule ng pelikula at hindi ikinagalit ni Portes. Na-compensate kung anuman ang pagkukulang niya ng pangyayaring magaling siyang artista, di niya pinahirapan ang direktor niya.
Sa kabila nito, sinabi ni Cogie na seseryosohin na niya ang pag-aartista niya. Kung anuman ang mga naging kasalanan niya in the past, iiwan na niya sa pagpasok ng Bagong Taon.
Mag-aaral na rin siya, pagbibigyan na niya ang kanyang ina na pangarap na makita siyang sumusunod sa yapak ng kanyang ama na isang mahusay na human rights lawyer.
Ang iba pang cast ng Mourning Gilrs ay sina Paolo Serrano, Ken Punzalan, McMiel Dennison, Janna Victoria, Dexter Doria, Roy Alvarez at si Oskar Peralta.