StarStruck Avenger, magiging tatay na!
December 26, 2005 | 12:00am
Hinahanap namin si Alvin Aragon sa Christmas Party ng GMA Artist Center. Kukumpirmahin namin sa bagets kung totoong inamin niyang magiging ama na siyat sa kanya pa nanggaling na sa July manganganak ang girlfriend niya.
Kung totoo ito, si Alvin ang unang taga-Starstruck na magiging ama o bagets dad dahil 17 years old palang yata siya. Kailangang manggaling sa kanya ang pag-amin dahil itinanggi na ng close sa kanya ang tungkol dito tapos ngayon, inaamin niya. Non-showbiz ang babae at kahit alam namin ang pangalan, di na namin isinulat.
Masaya si Ronnie Ricketts na sa January 1, 2006 ang showing ng Lagot Ka Sa Kuya Ko. Mas may chance raw kumita ang pelikula nila sa nasabing playdate dahil puro mabibigat ang Metro Manila Film Festival entries na nagbukas kahapon.
Ikinunsulta ni Ronnie sa bookers ang playdate nang nabanggit naming pelikula at lahat ay nagsabing, wag siyang sumabay sa big movies. Maganda pa sa Jan. 1 playdate, may enough time silang i-promote ito.
"I hope mas malaki ang kitain ng movies ngayon sa MMFF. Sana, ma-hit ang target at sa ganda ng pelikula, ang laki ng chance na itoy matupad. Sa parte ko, big honor ang makasama sa filmfest and to be with the giants," sabi ni Ronnie.
Thirteen million ang nagasta ng Rocketts Productions at J&B Productions sa movie. Maliit kumpara sa budget ng ibang filmfest entry. Advantage ito kay Ronnie dahil maliit ang hahabulin nilang profit. Okey na nga sa kanyang dumoble lang ang kitain nito para may gagastusin siya for his next movie.
Dumalo si CJ Muere sa birthday party ni Ryza Cenon na ginawa sa Dreamscape sa Robinsons Galleria noong December 21. Tumulong ito sa pag-i-entertain sa mga batang bisita ni Ryza at nag-enjoy din sa mga ride. Nagtagal din ito sa childrens party ng ka-loveteam pero, tila, nakalimutan nitong magbigay ng birthday gift dahil wala ang name niya sa binanggit ni Ryza na nagbigay ng gift.
Nahihilo pala kami kay CJ dahil lilipat na naman ng bahay. Malaki for him, his yaya and driver ang nire-rent na bahay sa Project 6 dahil bumalik na sa San Pablo ang mommy niyat maraming pasyente. Bukod pa sa uso raw ang nakawan sa tinitirahan nitong lugar ngayon kaya, naghahanap na naman sila ng bagong bahay.
Excited na kami sa lalabas na album ni Christopher de Leon sa Viva Records. Tapos na ang 12-track album entitled "Mga Awit Pelikula ni Christopher de Leon." Early next year na ito mari-release dahil naabutan ng Pasko.
Ang "Bituing Walang Ningning" na original ni Sharon Cuneta ang carrier single nito. Narito rin ang duet nina Boyet at Sharon ng "Sanay Maghintay" at ang "You Are My Song" duet nila ni Regine Velasquez from the movie Wanted Perfect Mother.
Ang iba pang songs sa album ay ang mga sumusunod: "Hanggang" from the movie Dekada 70; "Bituing Walang Ningning;" "Sisikat Din Ako" from Kakabakaba; "Umaga Na Naman" at "Tuwing Umaga" from the movie Kung Mangarap Kat Magising; "Sinasamba Kita" from the movie of the same title; "Iduyan Mo" from Aguila; "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka;" "Beloved" from the movie of the same title; at "Sana Ay Ikaw Na Nga."
Hindi ba tama kaming mas maganda kung isa si Boyet sa pinakanta ng theme song ng Blue Moon? Babagay sa timbre ng boses ng actor ang theme song ng pelikula na kinanta ng Orange & Lemons.
Ngayong araw na ang simula ng World Pyro Olympics at tatagal hanggang December 30. Nine countries ang magpapagandahan ng fireworks at sa kuwento palang nina Robbie Crisostomo at Tobbie Palabyab na manggagaling sa tubig ang fireworks, naeenganyo kaming manood.Bukod sa fireworks, may two bands ding tutugtog every night at may tiangge pat resto & bar para sa magugutom. One houndred lang ang entrance at 3pm palang, makakapasok na kayo sa venue ng World Pyro sa Esplanade sa likod ng Mall of Asia sa may Diosdado Macapagal Blvd. Sa Pasay City.
Gagasta ng P40 million ang La Mancha Pyro Productions for the five-day competition na tayo ang host country. For sure, maganda ito!
Kung totoo ito, si Alvin ang unang taga-Starstruck na magiging ama o bagets dad dahil 17 years old palang yata siya. Kailangang manggaling sa kanya ang pag-amin dahil itinanggi na ng close sa kanya ang tungkol dito tapos ngayon, inaamin niya. Non-showbiz ang babae at kahit alam namin ang pangalan, di na namin isinulat.
Ikinunsulta ni Ronnie sa bookers ang playdate nang nabanggit naming pelikula at lahat ay nagsabing, wag siyang sumabay sa big movies. Maganda pa sa Jan. 1 playdate, may enough time silang i-promote ito.
"I hope mas malaki ang kitain ng movies ngayon sa MMFF. Sana, ma-hit ang target at sa ganda ng pelikula, ang laki ng chance na itoy matupad. Sa parte ko, big honor ang makasama sa filmfest and to be with the giants," sabi ni Ronnie.
Thirteen million ang nagasta ng Rocketts Productions at J&B Productions sa movie. Maliit kumpara sa budget ng ibang filmfest entry. Advantage ito kay Ronnie dahil maliit ang hahabulin nilang profit. Okey na nga sa kanyang dumoble lang ang kitain nito para may gagastusin siya for his next movie.
Nahihilo pala kami kay CJ dahil lilipat na naman ng bahay. Malaki for him, his yaya and driver ang nire-rent na bahay sa Project 6 dahil bumalik na sa San Pablo ang mommy niyat maraming pasyente. Bukod pa sa uso raw ang nakawan sa tinitirahan nitong lugar ngayon kaya, naghahanap na naman sila ng bagong bahay.
Ang "Bituing Walang Ningning" na original ni Sharon Cuneta ang carrier single nito. Narito rin ang duet nina Boyet at Sharon ng "Sanay Maghintay" at ang "You Are My Song" duet nila ni Regine Velasquez from the movie Wanted Perfect Mother.
Ang iba pang songs sa album ay ang mga sumusunod: "Hanggang" from the movie Dekada 70; "Bituing Walang Ningning;" "Sisikat Din Ako" from Kakabakaba; "Umaga Na Naman" at "Tuwing Umaga" from the movie Kung Mangarap Kat Magising; "Sinasamba Kita" from the movie of the same title; "Iduyan Mo" from Aguila; "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka;" "Beloved" from the movie of the same title; at "Sana Ay Ikaw Na Nga."
Hindi ba tama kaming mas maganda kung isa si Boyet sa pinakanta ng theme song ng Blue Moon? Babagay sa timbre ng boses ng actor ang theme song ng pelikula na kinanta ng Orange & Lemons.
Gagasta ng P40 million ang La Mancha Pyro Productions for the five-day competition na tayo ang host country. For sure, maganda ito!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended