Mga gintong sandali ko with Nora Aunor

Maraming dahilan kung bakit nagiging superstar o megastar ang isang artista. Bukod kasi sa angking talento, swerte at charisma o natural na atraksyon na bumabato-balani sa publiko, mahalaga ang relasyon sa mga katrabaho sa industriya.

Tulad ni Sharon Cuneta na kilala na sa kanyang pagiging thoughtful at generous sa mga taga-industry, kasama na rito ang mga movie scribes.

Tuwing Pasko at maging Valentine’s Day, palaging naalala ni Mega ang magpadala ng kanyang mga regalo, kalakip pa ang card na may sarili niyang message at pirma.
* * *
Gayundin ang one and only superstar na si Nora Aunor. Kahit wala ngayon sa ating bansa si La Aunor at may hinaharap na problema sa States, tiyak naman na ang lahat ay nagdadasal na matapos na ang kasong kinasangkutan niya.

Kasi naman ay tunay na pagmamahal din ang binigay niya sa press people, kahit na noong mga panahong masasabing down siya at halos wala ng pelikula o anumang showbiz project.

Isang pangyayari ang palagi kong inaalala tuwing Pasko na ang bida syempre, ang artistang tunay na sinamba ng masa.

Isang taon ito na talagang masasabing hindi taon ni La Aunor. Kaya naman ang mga kaibigan niyang writers, hindi umasa ng kahit na anumang regalo mula sa kanya.

Nagulat na lamang kami nang mismong December 25 ng umaga, personal akong tinawagan ni Guy. Ang nakasagot ng phone ang aking kapatid na avid Noranian, na halos mahulog sa hagdan sa pagpanhik sa kwarto ko sa sobrang excitement, para sabihin na gusto akong makausap ng superstar!

Sabi ni Guy, "Kuya, lambing ko lang ito. Punta ka naman sa bahay today."

Syempre naman yes, agad ang sagot ko. Kaya lang sa bandang hapon na ako nangakong pupunta, kapag nakaalis na at nakapamasko na sa akin ang sangkaterbang inaanak at mga kamag-anak.

Late afternoon na nga akong nakarating sa bahay ni Mama Guy na noon ay sa Greenhills pa. Masaya naman ang atmosphere ng tahanan ng superstar, kahit sabihin pang medyo "naghihikahos" siya that time. Well lighted and decorated ang isang giant Christmas tree sa sala, na napapaligiran ng mga gabundok na mga regalo.

Dumampot ng kung anu-anong mga kahon at iba pang mga items si Nora sa mga gifts around the tree. Pati ang kasama ko na hindi naman manunulat, binigyan niya at sinabing, "Para kay Kuya."

Pagkatapos ng masarap na meryenda at kwentuhan, may inabot pang sobre si La Aunor sa akin at sabay sabi ng: "Pasensya ka na at medyo poor ako ngayon."

Nahihiya pa akong tinanggap ang magic envelop dahil alam ko ng ang financial situation niya that year. But I really have to accept that Christmas gift, also to make her happy. Syempre, higit akong masaya hindi dahil sa amount ng nasa loob ng sobre, kundi alam ko na more than anything else it is a gift of love; from the superstar herself.

Kay Nora Aunor, we will forever be grateful dahil naipadama niya sa amin ang tunay na kahulugan ng Pasko–ang buong pusong pagbibigay at pagmamahal.

Some of my most treasured moments in my more than four decades in showbiz, ay ang mga gintong sandali na kapiling namin si La Aunor.

Isa sa aking mga Christmas wishes, ang makabalik siyang muli sa ating bansa, na libre na sa problema at may maganda at bagong project na gagawin niya.

Maligayang Pasko sa lahat ng mambabasa ng Pilipino Star Ngayon.

Show comments