^

PSN Showbiz

Date ang kapalit ng show!

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Sa isang raid sa pugad ng mga video pirates sa Quiapo, idineklara nilang wala pa naman daw napipirata kahit na isang pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival. Eh talagang wala pa dahil hindi pa naman nailalabas ang mga iyon sa mga sinehan, pero kung maipalabas na yan bukas hindi tayo nakakasiguro na hindi nga iyan mapipirata. Noong nakaraang taon, lumabas ang lahat ng mga entries sa MMFF sa pirated na VCD sa ikalawang araw ng festival at kung idisplay nila, magkakatabi pa, para malaman ng mga taong kumpleto na sila sa mga pelikulang kasali sa festival.

Hindi lang naman sa mga sinehan napipirata ang mga pelikula. Ilang ulit na nga bang natutunton sa mga post production laboratories ang pinagmumulan niyang mga pirated videos na iyan. Hindi ba minsan may lumabas pang video ng mga bold na eksena ng isang pelikulang hindi naman natapos gawin. Eh saan manggagaling ang kopya kung hindi sa laboratoryo, pero walang magawang aksyon laban sa laboratoryong yon.

Ang mga raid ay hindi kasagutan sa pagpigil sa piracy. Matapos ang raid noong isang umaga, pagdating ng tanghali back to normal na naman ang pirata. Nakuha kasi nila ang mga stocks sa mga tindahan, pero kaunti lang iyon.

Epektibo sanang pag-control niyan ay kagaya nang ginawa ni Mayor Toby Tiangco ng Navotas. Inalisan ng mayor’s permit ang mga tindahan na nagtitinda ng pirated na video. May standing rule na hinuhuli at kinukumpiska ang mga pirated video na inilalako sa Navotas. Ang kailangan talaga ay political will. Ang kailangan ay maging desidido ang mga nagpapatupad ng batas laban sa piracy.

Ang una naming tanong, papaanong nakakapasok sa bansa ang mga pirated video na galing sa Malaysia, Taiwan at Indonesia? Saan dumadaan ang mga iyan? Huwag ninyong sabihing paunti-unti ang puslit niyan. Tiyak na pagpasok niya sa bansa ay isang malaking shipment.

Sino ang nag-import ng anim na replicating machines na sinasabi ng aming mga sources na pumasok sa bansa dalawang buwan na ang nakaraan? Sino ang padrino ng importer?

Nabanggit na rin lang si Mayor Toby Tiangco, pinaghahandaan na niya ang centennial celebration ng Navotas sa Enero 15, 2006. Magkakaroon sila ng isang beauty contest, at iba’t ibang mga pakulo, pati na ang kanilang taunang Pangisdaan Festival, bilang pagdiriwang ng kanilang centennial.
* * *
Natawa kami sa kwento ng isang young male star. Matindi raw ang hinihinging Christmas gift mula sa kanya ng isang bading na maimpluwensya sa isang TV network. Ang gusto raw ay mag-date sila for Christmas. Eh sinabi naman daw ng male star na hindi siya talaga pumapatol sa mga bading, pero mapilit pa rin daw ang bakla.

May tono pa nga raw ng pananakot ang salita noon, na baka mawalan na siya ng TV show kung hindi siya papayag. Alam naman ng male star na delikado siya dahil hindi nga nagre-rate ang kanilang programa at baka nga maalis na yon. Kung maaalis nga naman ang programa, baka kailanganin niya ang bakla para magkaroon siya ng bagong show.

ALAM

ISANG

MAYOR TOBY TIANGCO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NAMAN

NAVOTAS

PANGISDAAN FESTIVAL

SINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with