Magical & musical extravaganza

Habang ang Kamaynilaan ay nagkakagulo dahilan sa pagsisimula ng Metro Manila Film Ferstival na kung saan ay pitong malalaki at magagandang pelikula ang mapapanood, iba namang panoorin ang magsisimulang mapanood sa Araneta Coliseum, simula rin sa araw na ito. Hindi ito pelikula kundi isang magical at musical show na pinamagatang Spellbound, una kong napanood mahigit 10 taon na ang nakakalipas sa FAT. Binubuo ito ng 50 tao mula sa iba’t ibang bansa.

Isa sa mga acts dito, ang Human Design, isang slow motion, hand-to-hand acrobatics ay ginagampanan ng tatlong lalaki, isang Espanyol at dalawang Polish. Second time na nila dito sa atin.

Isang seryosong act ang Human Design kumpara sa act naman ni Jackson Rayne, isang modern day Houdini na makakatakas sa kanyang pagkakakulong sa ilalim ng tubig pero kasabay ng kanyang death defying acts ay ang kanyang pagpapatawa ng audience.

Galing ang buong tropa ng Spellbound sa Las Vegas. Kasama pa rin sa show ang Majestix, isang pareha na magpapakita ng magic, Los Huincas Gauchos, mga Argentine Cowboys na napiling Best Specialty Act in Las Vegas. Magaganda ang kanilang routines at mahusay sila kumontrol ng kanilang mga sandata.

Ang Spellbound ay joint presentation ng Viva productions at Araneta Coliseum. Pwedeng tumawag sa 9115555.
* * *
Hindi lamang tayong mga Pinoy ang may pagkakataong mapanood ang World Pyro Olympics simula sa Lunes, Disyembre 26 hanggang Dis. 30.

Uulan ng ilaw at kulay sa Espanlade sa Pasay sa world class na paligsahan na ito na kung saan siyam na pinaka-magagaling na pyrotechnics company mula sa Australia, China, Germany, Korea, Russia, South Africa, United Arab Emirates, United Kingdom at USA ang maglalaban-laban upang matawag na Pyro Olympic Champion. Magpapakitang gilas din ang Pilipinas sa pang-sampung display–ang Fellowship of Fire.

Gagamit ang mga kalahok ng mga makabagong fireworks na kamangha-mangha ang mga nagagawang epekto. Isang ehemplo ang mga nautical shells na pinapaputok papunta sa tubig kung saan sila ay sumasabog sa ibabaw nito.

Ito ang pinaka-malaking pyrotechnic event na magaganap sa Pilipinas. Sampung beses ang laki sa Centennial. Hatid ito ng DOT, Dept. of Transportation and Communications, Philippine Tourism Authority, Philippine Reclamation Authority, Lungsod ng Pasay, SM, Jollibee at Pepsi.

Para sa karagdagang impormasyon, pwedeng tumawag sa 8173073.
* * *
Bukas, 10NU, mapapanood ang pamilya Ranillo sa Gandang Ricky Reyes ng QTV 11. Pangungunahan ang pamilya ni Mat Ranillo. Ang dapat ay masayang okasyon ay mababahiran ng luha lalo’t magkakahingahan ng sama ng loob ang pamilya. Kung ano ito, panoorin sa Linggo.

Show comments