Songbird, nalasing sa party ng PPS!
December 23, 2005 | 12:00am
Hindi tinapos ni Angel Locsin ang thanksgiving party ng GMA Artist Center na ginanap sa Hard Rock Cafe` last Wednesday night dahil hahabol pa raw ito sa premiere night ng Enteng Kabisote 2: The Legend Continues sa Podium.
Magalang namang nagpaalam ang prime talent ng Artist Center at bumulong ng, "Sensya na po, hahabol ako sa Enteng kaso pagdating niya ng Podium ay naglalabasan na ang mga tao kayat hinayang na hinayang siya dahil hindi man lang niya na-suportahan ang boyfriend niyang si Oyo Boy Sotto na kasama sa pelikula.
Samantala, ayaw mag-comment ni Angel tungkol sa isyung "banned" ang pelikula nila ni Richard Gutierrez na Mulawin, The Movie sa Eat Bulaga kung saan host ang future father in law niyang si Vic Sotto.
Ang tanging nasambit ng leading lady ni Richard ay, "Suportahan po sana nating lahat ang pelikulang kasama sa MMFF 2005 at siyempre, ang Mulawin dahil sinisiguro ko po na maganda ang movie, kaya napawi po lahat ang naranasan naming pagod at hirap sa shooting."
Samantala, sa ipinamigay na 2006 calendar ng GMA Artist Center ay si Angel ang naka-picture sa buwan ng Enero na ibig sabihin ay siya ang pinakasikat na youngster ng GMA 7, followed by Mark Herras and Jennylyn Mercado sa buwan ng Pebrero, Regine Tolentino at Pekto ng Marso, Chynna Ortaleza sa Abril, Starstruck 2, Mike Tan/LJ Reyes, CJ Muere/Ryza Cenon sa Mayo, at Isabel Oli para naman sa Hunyo.
Sayang at hindi Artist Center ang nagma-manage sa career ni Richard, di sanay siya ang nangunguna sa mga young actor.
Sinusuwerte ang grupong Angels ni Tita Becky Aguila dahil sila ang kinatawan ng Pilipinas bilang Ambassadress of Goodwill sa China na sponsored ni Mr. Ben Ching na founder ng Chinese Fire Brigade at may-ari ng Shell Canvass.
Sa January 28 ang alis ng grupo para sa January 30-31 Chinese New Year at pagbalik nila ng Pilipinas ng February 2 ay launching naman na ng debut album.
Kasama sa grupong Angels si Empress Schuck, ang gumaganap na young Casseopea sa Etheria at dahil miyembro siya ng Star Circle batch 13 ng Star Magic ay nagtataka ang mga staff ng ABS-CBN kung bakit napunta ng GMA 7 ang bagets.
Kamakailan lang ay nagpa-interview si Ethel Booba na break na sila ng basketbolista niyang boyfriend, si Alex Crisano at kesyo may bago na siya, si Andrew Wolf na ex-boyfriend ni Gwen Garci.
Kaso, hindi naman umaamin si Andrew na mag-on na sila ni Ethel kundi magkaibigan lang daw kayat naguguluhan na naman ang entertainment press kung "gimik" na naman ba ito para pag-usapan ang career ni Ethel?
Umiinom ba talaga si Regine Velasquez?
Naitanong namin ito dahil sa nakaraang Christmas party ng programang Pinoy Pop Superstar ay naka-limang basong vodka sprite raw ang magaling na singer at halatang nalasing ito dahil kung anu-ano na raw ang sinasabi na nagkataong may isang top executive ng GMA 7 ang nakakitat nakarinig pa.
Anyway, nagkakasiyahan daw kasi ang buong staff at host ng PPS at on the spot ay naglabas daw ng P22,000 si Songbird para sa raffle at ang ikinagulat ng lahat, may katuwaang game roon na patagalang maghahalikan ang babae sa babae at lalaki sa lalaki. Aliw na aliw daw si Regine sa nabanggit na eksenang nakita niya. Marahil ay dulot ito ng ispiritu ng alak o talagang nage-enjoy siya that night? REGGEE BONOAN
Magalang namang nagpaalam ang prime talent ng Artist Center at bumulong ng, "Sensya na po, hahabol ako sa Enteng kaso pagdating niya ng Podium ay naglalabasan na ang mga tao kayat hinayang na hinayang siya dahil hindi man lang niya na-suportahan ang boyfriend niyang si Oyo Boy Sotto na kasama sa pelikula.
Samantala, ayaw mag-comment ni Angel tungkol sa isyung "banned" ang pelikula nila ni Richard Gutierrez na Mulawin, The Movie sa Eat Bulaga kung saan host ang future father in law niyang si Vic Sotto.
Ang tanging nasambit ng leading lady ni Richard ay, "Suportahan po sana nating lahat ang pelikulang kasama sa MMFF 2005 at siyempre, ang Mulawin dahil sinisiguro ko po na maganda ang movie, kaya napawi po lahat ang naranasan naming pagod at hirap sa shooting."
Samantala, sa ipinamigay na 2006 calendar ng GMA Artist Center ay si Angel ang naka-picture sa buwan ng Enero na ibig sabihin ay siya ang pinakasikat na youngster ng GMA 7, followed by Mark Herras and Jennylyn Mercado sa buwan ng Pebrero, Regine Tolentino at Pekto ng Marso, Chynna Ortaleza sa Abril, Starstruck 2, Mike Tan/LJ Reyes, CJ Muere/Ryza Cenon sa Mayo, at Isabel Oli para naman sa Hunyo.
Sayang at hindi Artist Center ang nagma-manage sa career ni Richard, di sanay siya ang nangunguna sa mga young actor.
Sa January 28 ang alis ng grupo para sa January 30-31 Chinese New Year at pagbalik nila ng Pilipinas ng February 2 ay launching naman na ng debut album.
Kasama sa grupong Angels si Empress Schuck, ang gumaganap na young Casseopea sa Etheria at dahil miyembro siya ng Star Circle batch 13 ng Star Magic ay nagtataka ang mga staff ng ABS-CBN kung bakit napunta ng GMA 7 ang bagets.
Kaso, hindi naman umaamin si Andrew na mag-on na sila ni Ethel kundi magkaibigan lang daw kayat naguguluhan na naman ang entertainment press kung "gimik" na naman ba ito para pag-usapan ang career ni Ethel?
Naitanong namin ito dahil sa nakaraang Christmas party ng programang Pinoy Pop Superstar ay naka-limang basong vodka sprite raw ang magaling na singer at halatang nalasing ito dahil kung anu-ano na raw ang sinasabi na nagkataong may isang top executive ng GMA 7 ang nakakitat nakarinig pa.
Anyway, nagkakasiyahan daw kasi ang buong staff at host ng PPS at on the spot ay naglabas daw ng P22,000 si Songbird para sa raffle at ang ikinagulat ng lahat, may katuwaang game roon na patagalang maghahalikan ang babae sa babae at lalaki sa lalaki. Aliw na aliw daw si Regine sa nabanggit na eksenang nakita niya. Marahil ay dulot ito ng ispiritu ng alak o talagang nage-enjoy siya that night? REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended