Ang kontrobersyal na mayor ng Navotas

Hindi taga-showbiz ang bata at gwapong mayor ng Navotas, na si Toby Tiangco pero para na rin itong taga-showbiz sa rami niyang mga kaibigan dito.

Kamakailan lamang ay muli naming nakadaupang-palad si Mayor Toby at ibinalita nito sa amin ang nalalapit na selebrasyon ng ika-100 taon ng Navotas na kanilang gugunitain sa Enero 16, 2006.  Ayon sa butihing mayor, isang week-long celebration ang kanilang ihahanda at kasama na rito ang Search for Mutya ng Navotas, Centennial book launching, street dance competition at maraming iba pa.  Magkakaroon din ng musical-variety show sa darating na Enero 15 na susundan ng fireworks pagdating ng midnight. Magkakaroon din ng grand parade sa Enero 16 sa ganap na ika-3 ng hapon.

Isang working mayor si Mayor Toby.  Magmula nang siya’y maluklok sa puwesto ay marami nang mga pagbabago sa kanyang munisipalidad. Tatlong beses na ring nagawaran ang Navotas na Cleanest Municipality sa loob ng tatlong taon.  Nag-improve na rin ang peace and order dito. 

Napili rin ang kanyang lugar na best anti-drug council at best mobile station.  Pati ang problema sa baha ay unti-unti na ring nabibigyan ng kalutasan dahil nagpagawa siya ng mga river wall, flood gate at pumping station. By mid of next year ay halos 70% ay flood-free na ang Navotas.

Si Mayor Toby ay nagtapos ng Business Management sa Ateneo de Manila.  Kung tutuusin, wala sa kanyang pamilya ang may gusto sa pagpasok niya ng pulitika pero sa hikayat ng kanyang mga kaibigan, tumakbo siya bilang vice-mayor ng Navotas at naging acting mayor siya sa nasabing lugar sa loob ng isang taon at pitong buwan nang sumakabilang-buhay ang mayor na si Efren Bautista.  Sa sumunod na election ay tumakbo siya sa pagka-mayor at handsdown ang kanyang panalo.  Nasa ikalawang termino na siya ngayon bilang mayor.

Dating school teacher ang maybahay ni Mayor Toby na si Michelle at meron silang isang anak, si John Rey na siyam na taong gulang na ngayon.

Kung matatandaan pa, naging controversial figure si Mayor Toby nung taong 1995 nang ito’y maging biktima ng kidnap for ramson gang.  Dalampu’t dalawa araw din siyang bihag ng kanyang mga kidnappers bago siya pinakawalan matapos magbayad ng ransom ang kanyang pamilya.
* * *
E-mail: a_amoyo@pimsi.net

Show comments