Kahapon, ni-review ng CEB ang Ako, Legal Wife ng Regal Films. The movie got B rating.
"Nakakatawa ang movie, unanimous B ang decision ng board," ayon sa isang CEB member.
Actually, sa trailer pa lang maganda na ang pelikula. Nakakatuwa ang character nila Zsazsa Padilla, Rufa Mae Quinto and Cherry Pie Picache.
Pumunta ka sa shopping malls, tiangge at mga night market, dagsa ang tao. As in siksikan. Ang mga malls, extended ang mall hours. At worst ang traffic.
So paano mo sasabihing wala tayong pera!
Para rin yang showbiz. Ilang taon na bang sinasabi ng ilang showbiz insider na dead na ang pelikulang Pilipino, pero bakit naman hanggang ngayon, exciting pa rin ang showbiz? Although true na tuwing December nagkakaroon ng maraming pelikulang Tagalog dahil sa Metro Manila Film Festival pero still buhay pa rin ang pelikulang Pilipino.
"Hindi lang alam ng lahat, nag-usap na kaming mag-anak na lahat ng kinikita o kung anumang dumarating na blessing sa pamilya namin, kailangang itabi para sa future ni Sarah. At may particular amount lang na kailangang gastos.
"At yung sinasabi nilang tinitipid si Sarah, ang anak ko na ang tumatanggi kahit binibigyan namin siya ng pera. Alam niya kung anong hirap ang pinagdaanan namin noon kaya gusto niyang mag-save for the future," she said.
"Minsan nga, ako na ang nagpipilit na magdala siya ng pera para naman may allowance siya. Pero sasabihin niya, hihingi na lang siya sa akin," sabi ni Mommy Divine over the phone.
Kahit nga raw sa mga alahas, ayaw halos magsuot ng pop princess. "Pagkatapos niyang mag-show talagang hinuhubad agad niya yun." Pagsakay pa lang daw ng kotse, ibibigay agad nito ang mga alahas.
Sabi pa ni Mommy Divine, from the start sinabi na niya sa buong pamilya na kahit sikat na si Sarah at maraming trabaho, kailangan nilang maging simple lang ang buhay. Walang mababago sa kanilang lifestyle na nangyayari naman. Ang siste nga lang, iniitriga naman sila.
"Kaya nga hindi ko na lang pinapansin ang mga sinasabi nila. Kaya lang nakaka-hurt lang dahil parang kasalanan ang ginagawa namin. Hindi masamang mag-plano for the future," say ng mommy ni Sarah.
Bakit nga naman kasi ang daming nang-iintriga kay Sarah.
Or baka naman insecure sila sa pop princess?
Anyway, tama lang sigurong manahimik na lang siya (Sarah) dahil for 2005, marami siyang dapat ipagpasalamat.
Kabi-kabila kasi ang natanggap niyang blessing na sobra-sobra pa sa kanyang ini-expect.
Bukod sa kanyang successful recording career, hindi rin siya nabakante sa concert series at TV shows sa ABS-CBN. Pero ang pinaka-importanteng nangyari sa pagtatapos ng taon ay ang kanyang matagumpay na solo concert na ginanap sa Araneta Coliseum last September.
Nagawa niyang punuin ang Big Dome na pinangarap niya simula pa sa kanyang pagkabata.
"Lahat naman po, importante and memorable ang mga nangyari sa career ko ngayong taon. Sobrang dami ng blessings ko na nakatulong ng malaki sa pamilya ko," sabi ni Sarah.
Pebrero pa lang this year, nang mag-participate na si Sarah kasama si Mark Bautista sa taunang Lunar Parade sa Pasadena California. Sila ni Mark ang sumakay sa Philippine float.
"Siyempre po kakaibang thrill ang na-feel ko dahil hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong opportunity," sabi ni Sarah.
Si Regine Velasquez ang kauna-unahang Pilipino performer na nag-join sa Lunar Parade.
Importante rin kay Sarah ang concert series nila sa Amerika kasama ang grupo ng The Champions Rachelle Anne Go, Christian Bautista, Sheryn Regis and Frenchie Dy.
Pinuri at nakita kung gaano kataas ang boses ni Sarah sa nasabing concert.
Napapanood sa The Filipino Channel sa ABS-CBN ang mga show niya kaya naman kilalang-kilala siya roon.
Si Boss Vic del Rosario ang mismong naka-witness kung paano si Sarah pinagkaguluhan at isigaw ang pangalan sa lahat ng puntahan nilang lugar sa Amerika.
Nakahabol ang natanggap niyang award from Gawad Amerika, ang isang independent award giving body sa Amerika na kumikilala sa kakayahan ng mga local artists. Kasama niyang nanalo as Performer of the Year si Christian Bautista.
At ang kanyang solo show na Little Big Star sa ABS-CBN, kasama ang nasabing programa sa may pinaka-mataas na rating sa weekend shows ng Dos.