Nakakaisang taon pa lamang ang Club Mwah! sa kanyang negosyo ng pagbibibigay ng entertainment na may mataas na kalidad pero, marami na itong tinatanggap na parangal at pagkilala dahilan dito.
Owned by two enterprising partners, Pocholo Mallilin na siyang humahawak ng administrative side ng negosyo at ni Cris Nicolas, ang tumatayong artistic director at performer. Ang naturang theater bar ay kinikilala na di lamang ng mga organisasyon dito sa atin kundi maging sa ibang bansa dahilan sa magagandang palabas na ginaganap dito.
May 24 na showpeople ang Club Mwah, 5 ang crossover, meaning yung mga nagdadamit babae pero, mga tunay na lalaki naman, limang tunay na babae, 4 na tunay na lalaki at 10 transexuals, mga dating lalaki na ngayon ay nagmemeari na ng mga katawan ng babae at babaeng-babae na sa kanilang pisikal na kaanyuan. Kung karaniwang babae lamang ay siguradong mapag-iiwanan ng kanilang ganda. Di na sila gumagamit ng wig dahil mahahaba ang ang buhok na animoy modelo ng shampoo.
Follies de Mwah kung sila ay tagurian, mahuhuhusay sumayaw at bagaman at marami sa kanila ang marunong kumanta, ang mga boses nila ay bihirang gamitin sa kanilang mga performances. Pero, di mo mahahalata ang pagli-lip sync nila dahil hanggang sa paghinga at pagbigkas ng mga salita, at pagsunod sa mga titik ng kanta, alam na alam na nila ito kahit nakapikit sila. Di lamang sila dito nagpe-perform, nakarating na sila sa ibat ibang mga bansa, nakapag-tanghal na sa ibat ibang lahi. At lahat nagkakaisa na magagaling sila. Kundi palakpak, standing ovation ang tinatanggap nila.
Sawa na kayo ng panonood ng yun at yun ding palabas? Go na kayo sa Club Mwah at maging isa sa mga nakapanood na ng isang world class na palabas. Showing Thursdays, Fridays & Saturdays, 10:00NG, ang Bedazzled 3.
Makinis na rin si Vandolph, bukod pa sa napakalaki na ng ipinayat nito. Binigyan siya ng abdominal lipo ng mahusay na doktor. But of course, open sa pag-aalaga sa kanila ang mag-asawang Manny at Pie sina Gina Alajar, Beth Oropesa, at marami pang kabataang artista na nakita ko sa luncheon.