Uma, walang problema sa kanyang kasarian

Hindi apektado si Uma Khouny kung maintrigang bading.

"I have no problem with my gender. If they think I’m bading, okey lang. Mas kilala ko naman ang aking sarili," sey nito.

Very vocal sa pagsasabi si Cass Ponti na mahal niya si Uma kaya tinanong namin ito kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ng seksing housemate.

"Gusto ko rin siyang ligawan pero hindi pa sa ngayon dahil naka-concentrate ako sa aking trabaho," aniya.

Inamin din ni Uma na maraming tao siyang nasaktan dahil bastos siyang magsalita. "I never meant to hurt anyone. Minsan nagbibiro lang ako pero di ko alam na nakakasakit na pala ako ng tao," aniya.

Nangako naman si Uma na hihingi siya ng paumanhin sa mga taong nasaktan niya at magbabago na siya ngayong nakalabas nasa Bahay Ni Kuya.
Christmas Nina Gladys At Chris, Makabuluhan
Hindi ipinagdiriwang nina Gladys Reyes at Christopher Roxas ang Kapaskuhan dahil kapwa sila Iglesia ni Kristo. Pero naniniwala sila na kailangang maging masaya sa araw na ito. Sa Enero ay isisilang na ni Gladys ang bunga ng kanilang pagmamahalan.

Nakita na nila ang itsura ng baby sa pamamagitan ng ultrasound kung saan prominente ang tangos ng ilong nito na mana sa kanyang ama. "Marahil namana din nito ang pagiging mestiso sa ama ni Chris na isang Italyano," ani Gladys.

Show comments