Pangako ni FPJ, tinupad ni Erap
December 19, 2005 | 12:00am
Kahit isang taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Fernando Poe Jr., hindi pa rin nalilimutan ng pamunuan ng Mowelfund ang ipinangako nitong pagpapagawa ng elevator sa noon ay kagagawa pa lamang na gusali sa Mowelfund sa Rosario Drive, Quezon City.
Kamakailan lang bilang paggunita sa kontribusyong naiambag ng yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si FPJ sa Mowelfund, isang misa na pinangunahan ni Fr. Larry Faraon ang ginanap na dinaluhan nina Ms. Susan Roces, anak nitong si Mary Grace, kapatid na sina Mrs, Elizabeth Kelly at Conrad Poe, mga pamangkin gaya nina Wowie Cruz at ang mag-asawang Norman Bustos at Sheryl Cruz. Kabilang din sa mga nagsidalo sina dating Pangulong Cory Aquino, Makati Mayor Jejomar Binay at marami pang iba.
Isang sorpresang salu-salo ang inihanda ni Mary Grace pagkatapos pasinayaan ang FPJ Hall kung saan naka-display ang ilang mga memorabilia ni FPJ. Ipinagmalaki pa ni Mary Grace na ang ilang mga larawang naka-display ay mula sa MOWPPAP na nagsagawa ng exhibit sa Alimall nitong nakaraang Oktubre. Punong abala sa okasyong ito sina Ms. Boots Anson-Roa (Chairperson ng Mowelfund) at Chit Sambile.
Ayon kay Boots, "Hanggang sa mga sandaling ito, talagang si FPJ ay nananatiling man of few words pa rin. Paano kasi yung video na ipinalabas ay walang boses na lumalabas o naririnig. Kaya, pinagsalita muna nila si Susan Roces. Pagkatapos ni Manang Inday, biglang naayos ang video presentation.
Sa naturang video pala nakapaloob ang pangakong elevator ni FPJ na kaagad namang tinupad ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Idinagdag pa ni Boots na natanggap na nila ang elevator pero hindi nila maipakabit pa dahil wala pa silang budget for installation kaya nanawagan pa ito sa mga naroon na may kakayahang mag-donate. BONI A. CASIANO

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended