Excited si Sharon na bumalik sa telebisyon at matagal na nga naman siyang napahinga. Sa last interview namin sa kanya, sa launching ng album niyang "Sharon Sings Alcasid," nabanggit nitong magugustuhan ng viewers ang concept ng show na mas maganda sa concept ng Sharon
Pero, kailan nga ba muling mapapanood ng regular sa TV ang megastar? Im sure, marami itong kuwento na magugustuhan ng viewers.
Nang tanungin sa kanyang sex life, akala namin, zero rin ang isasagot dahil busy nga siya no at laging kulang sa tulog. Spaced out nga ito sa presscon dahil inaantok at idinadaan sa ngiti at tawa ang antok.
Kaya nagulat kami sa sagot nitong "Hindi porket wala kang lovelife ay wala ka na ring sex life," saka, sinundan ng malutong na tawa. Foul na kung pati sex partner niyay inalam pa namin kaya, nakitawa na lang kami.
Sa rami ng magagandang babaing nakakasama ni Dennis sa TV at movies, hindi kami naniniwalang wala siyang type. Nadulas nga ito minsan at may binanggit na name ng young actress na gusto niya pero, nakiusap na wag na naming isulat.
Mababawasan kahit papaano ang work load ni Dennis dahil tapos na ang taping nila ng Now & Forever (Agos) at Etheria na lang ang regular show niya. Bale, ang promo ng Mulawin the Movie at Blue Moon na lang ang aasikasuhin niya.
Sa float ng Blue Moon sasakay si Dennis sa parade sa December 24 kaya doon nyo siya hanapin. Marami raw ang sasakay sa float ng Mulawin the Movie at hindi na mapapansin kung wala siya.
Masaya ito pag nakasama si Rosanna Roces and in fact, ngayon pa lang, inaabangan na siya. Sigurado raw na kung anu-anong ka-ek-ekan ang gagawin nito.
Ilan sa mga nag-audition ay sina Ana Capri, Jeffrey Hidalgo, Juaquin, Maricar Fernandez, Von Arroyo, Ate Gay, Vice Ganda, Joanne Quintas, Kris Martinez, pati ang movie columnist na si Archie de Calma, Wilma Doesnt, Darling Laviña, Allan Paule, Frank Garcia at Roxie Barcelo.
Hanggang ngayon, nagta-taxi pa rin ito sa pagri-report sa taping ng Ganda ng Lola Mo at ibang TV guestings. Ayaw nitong mag-car loan sa bangkot mas maganda nga naman kung cash babayaran ang sasakyan kahit second hand.
Nanghinayang nga si Kirby na hindi siya natuloy sa Mourning Girls. Pandagdag nga naman sa ipon niyang pambili ng car ang tatanggapin sanang talent fee. Napili siya ni director Gil Portes sa role ng anak ng isa sa mga bida pero, nag-backout si Kirby dahil tumama sa taping ng show niya sa QTV ang shooting. Kay Ken Punzalan napunta ang role na para sa kanya.