Ralion Alonso, maganda ang work sa Hongkong Disneyland

Itinawag sa amin ni Dave Rojo ang napanood niyang TV interview kay Dayanara Torres. Bidang-bida raw ang Pilipinas sa former Miss Universe at ilang beses binanggit ito. Thankful ito na nandito siya nang mag-end ang kanyang reign at busy sa pelikula at TV guesting kaya, hindi siya masyadong nalungkot.

Ibinalita pa ni Dayanara na may clothes line siyang tinawag niyang Metro 7 at dito yata siya nag-concentrate after the break-up of her marriage with Marc Anthony. Sa LA na siya naka-based for more than two months now at siguradong maraming Pilipino siyang mami-meet.
* * *
May problema talaga sina Jennylyn Mercado at Mark Herras dahil kahit sa petsa ng kanilang relasyon ay hindi sila magkasundo. Magkasunod namin silang tinanong sa presscon ng Blue Moon at magkaiba ang kanilang sagot.

Sabi ni Jennylyn, one year and seven months silang on na kinontra ni Mark dahil umabot lang daw sila ng one year and five months. Hala, ‘di tuloy namin alam kung sino sa kanila ang paniniwalaan. Hindi namin sila puwedeng pagharapin dahil hindi pa sila friends at baka mag-away dahil lang doon.

Natawa nga si Allan Diones habang binabasa ang publicity guide ng Blue Moon at nakasulat na sweet pa rin ang dalawa dahil kabaligtaran yun sa nangyayari sa kanila. Naglabas pa nga ng sama ng loob si Mark sa ex-girlfriend nang aming makausap.

Hindi nga yata naalalang batiin ni Jennylyn si Mark sa birthday nito noong December 14 and for sure, hindi rin siya inimbita sa party ng dating nobyo. Pero, naramdaman naming nagki-care pa ang binata kahit konti.

Kung puwede lang, inalam siguro ni Mark kay Jennylyn kung totoong lilipat ito sa isang condominium at iiwan ang bahay sa may Filinvest. Tapos, nakita nitong ini-interview si Jennylyn ng ABS-CBN, mapapagalitan daw ito pag nalaman ng GMA-7.

O, di ba, concerned pa rin si Mark kahit konti?
* * *
Thankful at grateful si Marvin Agustin na sa kanya ipinagkatiwala ni director Joey Reyes ang role ng psychotic na si Lemuel sa Kutob. Sa ganda at bigat ng role, naramdaman niyang actor na talaga siya. Napi-pressure lang ito sa binanggit ng director na malaki ang chance niyang maging best actor sa awards night.

Ang hirap nang paghahanda ni Marvin sa kanyang role. Bukod sa pagpa-praktis, tini-tape pa niya ang sarili para makita kung saan siya kulang. Kaso lang, pagdating sa set, binabago ni Direk Joey ang kanyang acting. Kaya, bagong internalization na naman ang kanyang ginagawa.

Samantala, operational na noon pang December 15 ang Sumo Sam Restaurant nina Marvin sa Shangri-La Mall at sa February next year, magbubukas naman ang Ten Titas sa Gateway Mall.

Tuloy na rin ang pagpo-produce niya ng digital film na Donsol under his own Magos Productions. This is written and directed by Adolf Alix na bibigyan niya ng break na makapag-direk. February ang start ng shooting nito pero, first week ng January ay nasa Donsol na si Marvin to practice swimming with the butandengs.
* * *
Very proud si Chinggoy Alonso sa anak na si Ralion Alonso. Isa ang anak sa Filipino actor na nagtatrabaho sa Hongkong Disneyland. Doing good daw ang anak na lead actor sa Mulan at multiple ang role sa Disney Revue.

Seven shows a day ang ginagawa nito at laging SRO ang audience. Nakapag-pahinga lang si Ralion nang umuwi dito noong first week ng December at sa piling ng pamilya nag-celebrate ng birthday. May ibinuking si Chinggoy sa anak na hindi namin isinulat at baka, walang pahintulot ni Ralion.

Si Chinggoy naman ay ‘di na kailangang pumunta sa Hongkong dahil busy pa rin siya rito sa movies and TV. Magwawakas na ang Mga Anghel Na Walang Langit pero, mapapanood pa rin siya sa Etheria. Ginagawa rin niya ang pelikulang Moments of Love sa GMA Films as the father of Iza Calzado.

Show comments