Una, ang sinusundan pa rin naman ng mga tao sa mga telenovela ay ang kuwento. Iyon ang dahilan kung bakit mataas pa rin ang ratings ng mga Koreanovela na maiinis ka, dahil hindi sabay ang buka ng bibig sa sinasabi nila. Pero maganda ang istorya eh, kaya pinagtitiyagaan iyon ng mga tao. Iyan namang mga sikat na characters mula sa komiks at mga lumang pelikula, alam na alam nila na hindi na original ang kuwento kaya hindi na sila nagtitiyagang panoorin pa iyon.
Sa susunod na taon, inaasahan nilang mananatili ang present trend sa telebisyon. Hindi pa rin mawawala ang mga palabas na Koreano, na nabibili nang murang-mura lang at naisasalin din sa Tagalog nang wala halos gastos. Ang gastos diyan ay wala pa sa limang porsiyento ng gastos sa local production ng isang telenovela.
Pero magpapatuloy pa rin ang mga super production sa telebisyon dahil kung ititigil nila iyan, diyan na magsisimulang bumagsak ang rating nilang lahat. Naghahanap na ang mga tao ng kalidad sa telebisyon, lalo na nga at hindi na nila makita iyon sa mga pelikula at dahil tumaas na rin ang singil ng Meralco sa kuryente, na tataas pa sa Enero. Natural kung hindi maganda ang panonoorin nila, papatayin na lang nila ang kanilang telebisyon na malakas ding kumain ng kuryente.
Pero siguro nga ang maaasahan natin ay mas marami pang characters ang lilikhain ng ating mga tv shows, pero madadala na siguro silang magbayad nang malaki sa mga kilalang characters na hindi naman pala nakakapagdala ng ratings.
Ang katwiran ni Kuya Germs, pelikula naman o plaka ang ipino-promote ng mga artistang iyon, hindi naman ang kanilang mga tv shows sa kalabang istasyon. Kung tv shows nga naman ng kalaban, hindi na niya papayagan iyon.
Ang nasa isip pa rin ni Kuya Germs ay kung papaano siya makakatulong para naman umahon ang industriya ng pelikula.
Ngayon ang male star na iyan ay lumalapit naman sa isang bading sa kalaban nilang network at gusto na yatang mag-alsa balutan sa kanyang home studio kung saan hindi na siya makakuha ng break.