Aktor, binitawan na ng network executive!
December 17, 2005 | 12:00am
Isang bagay ang nagawa ng mga tv series kagaya ng natapos nang Encantadia. Nakalikha sila ng mga characters na nagustuhan at kinilala ng publiko. Maliwanag kung ganoon na hindi na kailangan ang mga sikat na characters mula sa mga pelikulang luma o komiks na dati ay binabayaran pa nila nang napakalaki para magamit lamang.
Una, ang sinusundan pa rin naman ng mga tao sa mga telenovela ay ang kuwento. Iyon ang dahilan kung bakit mataas pa rin ang ratings ng mga Koreanovela na maiinis ka, dahil hindi sabay ang buka ng bibig sa sinasabi nila. Pero maganda ang istorya eh, kaya pinagtitiyagaan iyon ng mga tao. Iyan namang mga sikat na characters mula sa komiks at mga lumang pelikula, alam na alam nila na hindi na original ang kuwento kaya hindi na sila nagtitiyagang panoorin pa iyon.
Sa susunod na taon, inaasahan nilang mananatili ang present trend sa telebisyon. Hindi pa rin mawawala ang mga palabas na Koreano, na nabibili nang murang-mura lang at naisasalin din sa Tagalog nang wala halos gastos. Ang gastos diyan ay wala pa sa limang porsiyento ng gastos sa local production ng isang telenovela.
Pero magpapatuloy pa rin ang mga super production sa telebisyon dahil kung ititigil nila iyan, diyan na magsisimulang bumagsak ang rating nilang lahat. Naghahanap na ang mga tao ng kalidad sa telebisyon, lalo na nga at hindi na nila makita iyon sa mga pelikula at dahil tumaas na rin ang singil ng Meralco sa kuryente, na tataas pa sa Enero. Natural kung hindi maganda ang panonoorin nila, papatayin na lang nila ang kanilang telebisyon na malakas ding kumain ng kuryente.
Pero siguro nga ang maaasahan natin ay mas marami pang characters ang lilikhain ng ating mga tv shows, pero madadala na siguro silang magbayad nang malaki sa mga kilalang characters na hindi naman pala nakakapagdala ng ratings.
Pinag-uusapan nga nila, nakakatuwa naman daw at hindi kailanman naapektuhan ng network war si Kuya Germs. Doon sa kanyang show, hinahayaan niyang mga maging guest at mag-promote pa ng kanilang mga pelikula ang mga stars ng kalaban nilang network. Kahit na nga iyong mga artistang pinabayaan na ng kalaban nilang network pinapayagan pa niyang maging guest sa kanyang show.
Ang katwiran ni Kuya Germs, pelikula naman o plaka ang ipino-promote ng mga artistang iyon, hindi naman ang kanilang mga tv shows sa kalabang istasyon. Kung tv shows nga naman ng kalaban, hindi na niya papayagan iyon.
Ang nasa isip pa rin ni Kuya Germs ay kung papaano siya makakatulong para naman umahon ang industriya ng pelikula.
Binitiwan na pala ng kanyang gay lover na isang network executive ang isang male star, kaya pala wala na siyang tv shows ngayon, at wala na ring nakukuhang pelikula sa kanilang home studio. Hindi kagaya noong araw, hindi talaga makalusot ang mga projects na iba kung wala ring gagawing project para sa kanya.
Ngayon ang male star na iyan ay lumalapit naman sa isang bading sa kalaban nilang network at gusto na yatang mag-alsa balutan sa kanyang home studio kung saan hindi na siya makakuha ng break.
Una, ang sinusundan pa rin naman ng mga tao sa mga telenovela ay ang kuwento. Iyon ang dahilan kung bakit mataas pa rin ang ratings ng mga Koreanovela na maiinis ka, dahil hindi sabay ang buka ng bibig sa sinasabi nila. Pero maganda ang istorya eh, kaya pinagtitiyagaan iyon ng mga tao. Iyan namang mga sikat na characters mula sa komiks at mga lumang pelikula, alam na alam nila na hindi na original ang kuwento kaya hindi na sila nagtitiyagang panoorin pa iyon.
Sa susunod na taon, inaasahan nilang mananatili ang present trend sa telebisyon. Hindi pa rin mawawala ang mga palabas na Koreano, na nabibili nang murang-mura lang at naisasalin din sa Tagalog nang wala halos gastos. Ang gastos diyan ay wala pa sa limang porsiyento ng gastos sa local production ng isang telenovela.
Pero magpapatuloy pa rin ang mga super production sa telebisyon dahil kung ititigil nila iyan, diyan na magsisimulang bumagsak ang rating nilang lahat. Naghahanap na ang mga tao ng kalidad sa telebisyon, lalo na nga at hindi na nila makita iyon sa mga pelikula at dahil tumaas na rin ang singil ng Meralco sa kuryente, na tataas pa sa Enero. Natural kung hindi maganda ang panonoorin nila, papatayin na lang nila ang kanilang telebisyon na malakas ding kumain ng kuryente.
Pero siguro nga ang maaasahan natin ay mas marami pang characters ang lilikhain ng ating mga tv shows, pero madadala na siguro silang magbayad nang malaki sa mga kilalang characters na hindi naman pala nakakapagdala ng ratings.
Ang katwiran ni Kuya Germs, pelikula naman o plaka ang ipino-promote ng mga artistang iyon, hindi naman ang kanilang mga tv shows sa kalabang istasyon. Kung tv shows nga naman ng kalaban, hindi na niya papayagan iyon.
Ang nasa isip pa rin ni Kuya Germs ay kung papaano siya makakatulong para naman umahon ang industriya ng pelikula.
Ngayon ang male star na iyan ay lumalapit naman sa isang bading sa kalaban nilang network at gusto na yatang mag-alsa balutan sa kanyang home studio kung saan hindi na siya makakuha ng break.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended