Nabanggit ng aming piping saksing spy na sa taping daw ng Ganda Ng Lola Ko ay namigay daw si Camille Prats ng mga regalo sa mga staff ng programa at natuwa naman daw ang mga hitad dahil hindi naman nila tsika si Camille, pero give sila ng presents.
Heto na ang siste, nung sabay-sabay daw buksan ang regalo ng former ABS-CBN talent ay uniform daw silang lahat, isang stainless mug na may nakalagay na pangalang Camille Prats.
Nakangiti naman daw lahat ng nabigyan at nung nagkainan na sila at ginamit na ang nabanggit na stainless mug ay sabay-sabay din daw nilang iniwan sa kainan, naloka kami, ano yun, ginawang disposable ang mug?
"Ewan ko ba sa mga baklang to, dinedma ang mug ni Camille, maganda naman, in fairness," dagdag kuwento sa amin.
Naloka rin kami dahil kung alam lang ng mga staff na ito kung paano kinakarir ng mga artistang balutin at pag-ipunan ang kanilang mga give-aways.
Naalala tuloy namin si Mike Tan na talagang naghahanap ng murang pang give-aways dahil sa rami raw ng bibigyan niya, tiyak na kukulangin ang budget niya, e, hindi naman daw kalakihan ang kinikita niya.
Huwag din daw paka-siguro ang tatlong fantasy films tulad ng Mulawin, The Movie, Enteng Kabisote 2 at Exodus.
Say mismo ni Direk Matti, "Hindi dahil sa ako ang director ng Exodus, ang edge namin sa dalawang fantasy movie ay bago kami never been seen, kaya curious ang tao para panoorin kami pure imagination kaya nga magastos kami.
"Ang scary diyan ay ang Enteng Kabisote because its their second, kumbaga may bago ka pa bang ipapakita? But lets see pa rin. Ang Mulawin naman, what else is new? Every-bodys seen in it on tv, so yun na lang," maganda niyang paliwanag.
At inamin din niyang panonoorin niya ang apat na pelikulang may mga effects para malaman daw niya kung ano ang magandang pagkakagawa, lalo na ang Mulawin at Enteng.
"Siyempre, for you to be able to compare your work, you have to watch all the films, para makita ko rin ang difference ng gawa ko."
Heto pa, hindi rin interesadong manalo bilang Best Direktor si Direk Matti sa darating na Metro Manila Film Festival Awards Night (December 27) dahil katwiran niya, "E, hindi naman nagno-nominate ng Best Director, hindi sila naniniwala sa galing ng director, kaya kanila na lang," katwiran uli sa amin.
Anyway, may prequel ang Exodus: Tales from the Enchanted Kingdom ng Imus Productions at Reality Entertainment at by 2006 naman ito ipalalabas at bida na si Jolo Revilla.
Pabonggahan ng mga bahay-bahay ang concept ng Showbiz Stripped para sa holiday season at ka-join si Mang Dolphy plus Zsazsa Padilla, mag-asawang Albert at Liezl Martinez at siyempre, si Kris Aquino para sa episode na Bahay Ko Nga Ito (spoof ng Bahay Mo Ba To?)
Isi-share ng mga nabanggit na celebrity kung paano nila pinaghahandaan ang Kapaskuhan at, Bagong Taon at kung paano nila ito siniselebra with their families and friends.
Kaso may nabuo namang katanungan sa isipan namin, hindi kaya hudyat na rin ito na may nangyayaring negosasyon between Mang Dolphy plus Zsazsa and GMA 7? REGGEE BONOAN