^

PSN Showbiz

Staff ng QTV 11, binalewala ang regalo ni Camille!

-
Nalungkot naman kami sa ginawang pambabalewala ng ilang staff ng programang Ganda Ng Lola Ko na napapanood sa QTV 11 dahil hindi man lang sila marunong magbigay ng importansiya sa regalo ng isang artista na nagmagandang loob silang bigyan.

Nabanggit ng aming piping saksing spy na sa taping daw ng Ganda Ng Lola Ko ay namigay daw si Camille Prats ng mga regalo sa mga staff ng programa at natuwa naman daw ang mga hitad dahil hindi naman nila tsika si Camille, pero give sila ng presents.

Heto na ang siste, nung sabay-sabay daw buksan ang regalo ng former ABS-CBN talent ay uniform daw silang lahat, isang stainless mug na may nakalagay na pangalang Camille Prats.

Nakangiti naman daw lahat ng nabigyan at nung nagkainan na sila at ginamit na ang nabanggit na stainless mug ay sabay-sabay din daw nilang iniwan sa kainan, naloka kami, ano ‘yun, ginawang disposable ang mug?

"Ewan ko ba sa mga baklang ‘to, dinedma ang mug ni Camille, maganda naman, in fairness," dagdag kuwento sa amin.

Naloka rin kami dahil kung alam lang ng mga staff na ito kung paano kinakarir ng mga artistang balutin at pag-ipunan ang kanilang mga give-aways.

Naalala tuloy namin si Mike Tan na talagang naghahanap ng murang pang give-aways dahil sa rami raw ng bibigyan niya, tiyak na kukulangin ang budget niya, e, hindi naman daw kalakihan ang kinikita niya.
* * *
Para kay Direk Erik Matti ay dark horse raw ang pelikulang Shake, Rattle and Roll 52K ng Regal Entertainment dahil sa history daw ng nabanggit na pelikula ay never pa itong sumemplang sa takilya maski na hindi ganun kagaganda ang effects kumpara sa ibang pelikulang napanood na niya.

Huwag din daw paka-siguro ang tatlong fantasy films tulad ng Mulawin, The Movie, Enteng Kabisote 2 at Exodus.

Say mismo ni Direk Matti, "Hindi dahil sa ako ang director ng Exodus, ang edge namin sa dalawang fantasy movie ay bago kami never been seen, kaya curious ang tao para panoorin kami pure imagination kaya nga magastos kami.

"Ang scary diyan ay ang Enteng Kabisote because it’s their second, kumbaga may bago ka pa bang ipapakita? But let’s see pa rin. Ang Mulawin naman, what else is new?  Every-body’s seen in it on tv, so ‘yun na lang," maganda niyang paliwanag.

At inamin din niyang panonoorin niya ang apat na pelikulang may mga effects para malaman daw niya kung ano ang magandang pagkakagawa, lalo na ang Mulawin at Enteng.

"Siyempre, for you to be able to compare your work, you have to watch all the films, para makita ko rin ang difference ng gawa ko."

Heto pa, hindi rin interesadong manalo bilang Best Direktor si Direk Matti sa darating na Metro Manila Film Festival Awards Night (December 27) dahil katwiran niya, "E, hindi naman nagno-nominate ng Best Director, hindi sila naniniwala sa galing ng director, kaya kanila na lang," katwiran uli sa amin.

Anyway, may prequel ang Exodus:  Tales from the Enchanted Kingdom ng Imus Productions at Reality Entertainment at by 2006 naman ito ipalalabas at bida na si Jolo Revilla.
* * *
Iba talaga ang charm at power ni Showbiz Stripped investigator na si Ricky Lo dahil ang pinakamalaking artista ng ABS-CBN ay nahimok niyang mag-guest sa programa niya bukas, Sabado sa GMA 7.

Pabonggahan ng mga bahay-bahay ang concept ng Showbiz Stripped para sa holiday season at ka-join si Mang Dolphy plus Zsazsa Padilla, mag-asawang Albert at Liezl Martinez at siyempre, si Kris Aquino para sa episode na Bahay Ko Nga Ito (spoof ng Bahay Mo Ba ‘To?)

Isi-share ng mga nabanggit na celebrity kung paano nila pinaghahandaan ang Kapaskuhan at, Bagong Taon at kung paano nila ito siniselebra with their families and friends.

Kaso may nabuo namang katanungan sa isipan namin, hindi kaya hudyat na rin ito na may nangyayaring negosasyon between Mang Dolphy plus Zsazsa and GMA 7? – REGGEE BONOAN

CAMILLE PRATS

DAHIL

DAW

DIREK MATTI

ENTENG KABISOTE

GANDA NG LOLA KO

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with