Di makapag-move on sina Mark at Jennylyn!

Hindi ikinakaila ng teenstar na si Jill Yulo (Giselle Ann Lisondra Yulo sa tunay na buhay) na mag-MU (as in mutual understanding) na sila ng young actor na si Alwyyn Uytingco na nagsimula nang magkasama sila sa Sarah: The Teen Princess na sinundan ng QPIDS show ng ABS-CBN.  

Ayon kay Jill, palabigay umano ng kung anu-anong gift si Alwyn tulad ng singsing (2), Swatch watch, doll shoes, t-shirts, chocolates at kung anu-ano pa.   Mahilig din umano itong magpahatid sa kanya ng  pizza sa bahay kaya siya tumataba. Nung nakaraang July ay niregaluhan naman ni Jill si Alwyn ng isang labrador dog bilang advance Christmas gift.

Sobrang naku-cute-an si Jill sa ex-housemate ng Pinoy Big Brother na si Sam Milby at kinikilig umano siya sa Fil-Am guy bagay na ikinaselos ni Alwyn.

Baby pa lamang si Jill ay isa na siyang commercial model na kanyang ginagawa hanggang ngayon. Ayon sa kanya, nakagawa na siya ng mahigit 50 commercials.  Napasok siya sa showbiz dahil sa kanyang RTO commercial kung saan niya nakasama sina Ketchup at Khalil Kaymo. Two weeks matapos ma-air sa telebisyon ang kanilang commercial ay nakatanggap siya ng tawag mula sa ABS-CBN. 

Kontrabida ang naging papel ni Jill sa Sarah: The Teen Princess na pinagbidahan nina Sarah Geronimo at Mark Bautista pero ngayon ay ayaw na siyang isalang ng Star Magic sa mga kontrabida roles dahil may iba na silang plano para sa kanya.

Sa edad na 16, hindi pa rin tapos ng high school si Jill na nasa 3rd year high school sa ngayon sa Distance Learning Center.
* * *
Ang eleven-year-old Star Magic talent na si Kristel Fulgar ay pinayagang mag-guest sa Magpakailanman ni Mel Tiangco sa GMA.  Siya ang gumanap na batang Jennylyn Mercado sa pagsasadula ng buhay nito sa nasabing drama anthology.

Si Kristel ay dating grand finalist ng Munting Miss U ng nawalang noontime program na MTB nung siya’y anim na taong gulang pa lamang.  Kinuha umano ang kanyang number ng isang talent coordinator ng ABS-CBN at isinama siya sa teleseryeng Bituin na pinagbidahan ng superstar na si Nora Aunor. 

Si Kristel ang gumanap na batang Carol Banawa sa nasabing drama seriel. Siya rin ang gumanap na batang Meryl Soriano sa isang tele-fantasya, ang Marina at isa sa mga bruhang magkapatid na umapi kay Fatima (Anne Curtis) sa Kampanerang Kuba.
* * *
Parang ayaw naming maniwala kina Jennylyn Mercado at Mark Herras na pareho na silang nakapag-move on sa kanilang mga buhay matapos silang mag-break.  Kung totoong nakapag-move on na sila, bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin silang hindi nagkikibuan? 

Sa presscon nga ng pelikulang Blue Moon na tinatampukan din nina Eddie Garcia, Christopher de Leon, Boots Anson-Roa, Dennis Trillo, Polo Ravales at iba pa na dinirek ni Joel Lamangan ay hindi halos nagpansinan ang dalawa.  Napilitan lamang si Mark na halikan sa pisngi si Jennylyn nang kulitin namin siya.

Sina Jennylyn at Mark ang mga pangunahing bituin ng Blue Moon na magsisimulang mapanood sa Enero 1.
* * *
E-mail: a_amoyo@pimsi.net

Show comments