Idinagdag din ng maganda at very talented VJ ng MYX na kung pumayag ang mom niya ay baka last year pa siya nagka-boyfriend. Pero, tumanggi ito. Ngayon payag na ito at ready na siya, ang problema wala naman siyang makita.
Hindi naman nagmamadali si Karel. Nariyan ang trabaho niya to keep her busy, host sa MYX, concerts. Lumabas din siya sa stage, bilang Belle sa Beauty and the Beast. Regular din siya sa My Juan and Only. Ang freetime niya ay nauubos sa kanyang pagboboksing. Twice a week siya rito. Once a month, wakeboarding naman ang inaasikaso niya. Di niya ito maaring pabayaan dahil ito ang paraan niya ng pagpapapayat.
Pansamantala ay iniwan niya ang kanyang pag-aaral para mag-concentrate sa kanyang trabaho. "Sayang ang opportunity. Mababalikan ko naman ito pero, yung opportunity, baka hindi na bumalik," sabi niya.
Tulad ng dalawang naunang Bedazzled shows, makulay din at maganda ang choreography ng mga excerpts sa Bedazzled 3 na ang main focus ay isang Egyptian inspired musical complete with pyramids and costumes. Tampok din sa programa ang "Whos That Girl?" number na kung saan lahat ng showgirls ay naka-debutantes gown at naka-maskara.
Ang nakaka-intriga sa mga palabas ng Club Mwah! ay ang kalituhan ng mga manonood na maihiwalay ang mga totoong babae sa mga gay performers, lahat kasi ay mukha nang mga babae at mayron nang pangangatawan ng mga babae. One TV host has to come closer to the performers, after the show, para makita kung sino ang mga totoong babae at hindi.
Para sa ibang detalye, tumawag sa 09177906428/0744456943, hanapin si Gerry Rulloda.