‘Pinas, host sa World Pyro Olympics 2005

Katatapos lang mag-host ng bansa natin ng SEA Games. At kahit alam ng lahat na malaking sakripisyo ito sa ating lahat dahil dumaranas tayo ng grabeng paghihirap ngayon, napunuan ito ng pangyayaring nagpamalas ng kagalingan ang ating mga atleta at inilagay nila sa pangunahing posisyon ang ating bansa sa larangan ng palakasan.

Muli, magiging host tayo sa isang kakaibang event, ang World Pyro Olympics, isang paligsahan ng classical aerial fireworks display, magaganap ito sa Disyembre 26-30 sa Esplanade na matatagpuan sa Bay City Area, sa likuran ng Mall of Asia, Central Business Park, Bay Area, sa kontrobersyal na Macapagal Avenue.

Ang Pasay City ang magsisilbing host city para sa nasabing event na lalahukan ng siyam na bansa, China (Glorious Co.), USA (Melrose Pyroechnics), UK (Celtic Fireworks), Germany (Nico Lunig Event), Russia (Orion Art), Australia (Show FX), South Korea (Hanwha Corp.), UAE (Flash Art), At South Africa (Pyro Spectacular). Ang mga bansang ito ay inanyayahan ng mga organizers, ang La Mancha Pyro Productions na pinili base sa kanilang performance sa maraming fireworks competitions around the world.

Dalawang bansa ang maglalaban bawat araw sa loob ng limang araw. Bawa’t isang aerial fireworks display ay tatagal ng 20 minuto.

Maraming ground events ang ihahanda para ma-entertain ang lahat ng manonood na magbabayad sa gate ng P100 bilang entrance. Kapalit naman nito ay musical and dance events, bukod pa sa fireworks competitions at sports demo. May mga clowns, mimes, baloon sculptors, stilt walkers. May band exhibitions din. Ilan sa mga tutugtog ay ang Brownbeat All Stars, Radioactive Sago Project, Up Dharma Down, Imago, Harry Dawgs, Kjwan, Orange & Lemons, Reggae Mistress, Kapatid at Wunjo.
* * *
Tatlong malalaking gabi ang sunud-sunod na ipagdiriwang sa Paskong Pasiklab, ang pinakamalaking Christmas Carnival sa QC. Magsisimula ang pagdiriwang sa Linggo, Dis. 18, na kung saan gaganapin ang finals ng Miss Gay Pasiklab.

Sa Martes naman, Dis. 20, idaraos ang finals ng Mr. and Miss Pasiklab 2005, isang personality and talent contest.

Sa Miyerkules naman, Dis. 21, idaraos ang pagalingan sa kantahan sa grand finals ng Pasiklaban sa Videoke, isang singing contest. Siyam ang maghaharap sa gabing ito. Mga sikat na singer ang magsisilbing hurado.

P1M ang kabuuang premyo sa tatlong contest.

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pasko, idaraos ang Simbang Gabi sa Paskong Pasiklab simula sa Dis. 15-24, 9NG.

Ang Paskong Pasiklab ay matatagpuan sa Commonwealth Ave., QC.
* * *
Makakahinga na ng maluwag si Anne Curtis, pero malulungkot naman siya ng husto sa magiging pagtatapos ng kanyang seryeng Kampanerang Kuba sa ABS CBN.

Tumagal ito ng mahigit sa dalawang season na siyang itinakdang time period para sa serye dahilan sa ilang ulit na pagi-extend nito para sa kasiyahan ng mga manonood.

Inamin ni Anne na lubha siyang nahirapan sa nasabing serye. Nag-worsen ang kanyang scoliosis dahilan sa madalas siyang nakatungo, naging 14 degrees ito. Konsolasyon na lamang niya ang pangyayaring may isang panahong tinalo niya ang lahat ng palabas ng ABS CBN at lalo na ang kanyang kalabang show sa GMA. Ito raw nung una siyang lumabas na maganda. Nag-39 flat ang rating nito. "Even Richard (Gutierrez) called me para batiin ako," sabi niyang may pagmamalaki.

Nagsisimula na ring itayo ang kanyang Victorian-inspired dream house. Pupunuin daw niya ito ng mga antique pieces at talagang gagawin na parang tirahan ng isang prinsesa.

Happy din ang lovelife niya. Going strong ang relationship nila ni Paolo Araneta. Plano niyang imbitahin ito pag-uwi niya ng Australia ngayong Kapaskuhan. "Sana sumama siya, he’ll enjoy the break," dagdag pa niya.

Next year, gagawa siya ng movie for Star Cinema at Viva Films at magkakaro’n ulit siya ng TV series.

Show comments