Na-elevate ang Terrorist Hunter na kumumpleto sa Magic Seven at ang nanalong tatlong pelikulang ipalalabas sa January 1 ay ang Blue Moon, Mourning Girls at Lagot Ka Sa Kuya Ko.
Bago ang announcement ng entries ay halatang kabado si Ronnie at nasa tabi nito ang kanyang magandang misis na si Mariz at dalawang anak nila.
Isa sa nagmamahal at may malasakit sa pelikulang Tagalog si Ronnie at kahit di nakalusot ang entries nito sa nakaraang MMFF ay di pa rin siya pinaghinaan ng lobo bagkus tuluy-tuloy pa rin ang pagpoprodyus para sa film festival.
Ang mga bumuo ng Selection Committee, ay sina Dominic Du, dir. Marietta Tamondong, SGV Chairman Mr. Cortez, Mr. Rolando Josef na asst. ni Chairman Bayani Fernando, Asst. GM na si Cora Cruz, Manny Nuqui ng PMPPA, Director Joey Romero (kumatawan sa MTRCB), Victor Co Villegas, Ric Camaligan (Senior Vice Pres. ng SM Cinemas) Mr. Wilson Tieng ng MDAP Marcus Ng ng MMTA, Johnny Delgado, Ms. Digna Santiago at Pres. Usec Robert Rivera.
Ang mga kriteria sa pamimili ng mga entries ay ang pagkamaka-masining, pagkamalikhain, kagalingang teknikal, kabaguhan, kahalagahang tematiko at kahalagahang pandaigdig (50%); Lakas pangkomersyal (30%) at positibong kahalagahang historical at kultural na Pilipino (20%).
Naka-relate si Zsazsa sa kanyang role dahil inaming talagang maarte siya sa katawan since bata pa siya. Pero kahit maarte ay marunong naman siyang gumawa sa bahay at marunong ding maglaba.
Inulit nito na nagpa-breast augmentation at pagpapaganda ng mukha pero mas gustong non-surgical ito. Magpapa-lipo-suction ito para sa thigh repair.
Nang may magtanong na reporter kung nagpaayos ba siya ng ilong ay nag-iba ang reaksyon nito "Tunay na tunay ang ilong ko. Hindi ko na kailangan pang iparetoke. Mana naman ako sa magulang ko na mestiso at mestisa."