Ano ang pinaka-mabentang Christmas album na lokal?

Tiyak na naghahagilap na naman kayo ng mga CDs para patugtugin ngayong Kapaskuhan. Narito ang ilang mga bagong labas na collections na tiyak na higit na magpapatingkad ng kahulugan ng ating pagdiriwang sa mga mahahalagang araw na ito.

Kalalabas lang this year ang "OPM Superstar Christmas" mula sa Universal Records. All-star cast ang mga mang-aawit na kasali sa album, at kinanta nila ang kanilang mga biggest Holiday Season hits.

Una sa CD si Jose Mari Chan at ang kanyang Diamond Record na "Christmas In Our Hearts", kung saan ka-duet niya ang kanyang daughter na si Lisa Chan Parpan. Second cut ang "Pasko Na Sinta Ko" ni Gary Valenciano, at sumunod ang brand-new Christmas ditty ni Jed Madela na "Sana Ngayong Pasko".

Kasama pa ang "Himig Pasko" ni Regine Velasquez, "Can’t Stop Christmas" ni Martin Nievera, "Kumukutikutitap" ni Joey Albert, "Nakaraang Pasko" ni Kuh Ledesma.

Pasasayahin pa kayo ng "Simbang Gabi" ng Parokya ni Edgar, "Lata Lang Ang Aming Tambol" ng Apo Hiking Society, "My Grown-up Christmas Wish" ni David Pomeranz, "Christmas Won’t Be The Same Without You" ni Pops Fernandez, "Miss Kita Kung Christmas" ni Karylle, "Christmas Past" ni Jose Mari Chan, "Hele Ni Inay" ni Gary V.

Ang "OPM Superstar Christmas" ang isa sa pinakamabiling album this season.
* * *
Ang biggest Christmas Dance Album sa taong ito ang "Chocolate Choco Choco Christmas".

Siguradong mapapasayaw kayong lahat sa "Chocolate (Choco Choco)/Felix Navidad" na unang cut sa album.

Tuloy ang sayawan sa "A Merry Christmas" ng Soul Control. Huwag munang umupo dahil sinundan ito ng "Bop Bop/Deck The Halls" na very infectious din ang beat.

Ano naman ang mangyayari kung gawing medley ang "Boogaloo" at "12 Days of Christmas?" Tiyak na riot muli sa dancefloor. Okay naman ang kasayahan sa Bagong Taon sa saliw ng "Choopeta/Auld Lang Syne".

Paano kung isasabay ang "Gasolina" at "Hark The Herald Angels Sing". Syempre tuloy ang yugyugan. Ang kasaliw naman ng "Don’t You Just Know It (Don’t Ha Ha)" and "We Wish You A Merry Christmas".

Ang paborito naman ng lahat na "Dragostea (Ma-Ya-Hi)" ang "Rudolph The Red Nosed Reindeer", kaya’t walang tigil pa rin ang sayawan.

Lalo’t pa’t susundan pa ito ng "Acel F" at "O Come All Ye Faithful", "Follow The Leader/Joy To The World" at "Answer The Phone/Jingle Bells".

Ang "Chocolate (Choco Choco) Christmas" mabiling-mabili para sa lahat ng mga Christmas party.
* * *
Syempre kasama sa listahan ang biggest seller na album tuwing Pasko, "Christmas In Our Hearts" ni Jose Mari Chan. Ang album na ito ay malapit nang maging Double Diamond awardee!

Sa tuwing Kapaskuhan kasi, nakakabenta pa ito ng at least equivalent ng isang platinum award!

Show comments