Mark Anthony, natagpuan na ang kanyang sarili!

Iba ang aura ngayon ni Mark Anthony Fernandez, nang makita ko sa presscon ng Shake Rattle & Roll, isang entry sa MMFFP ’05, na kung saan ay may ginagampanan siyang isang magandang role bilang asawa ni Tanya Garcia sa Lihim episode na kung saan ay nanganib ang buhay nila laban sa mga bampira na nagustuhan sila dahilan sa may baby sila.

Sinabi ni Mark na mas seryoso na siya sa trabaho niya ngayon. "Gusto kong magpa-impress sa lahat, para malaman nila na tuluyan na nga akong nagbago. Masaya na ako ngayon, kuntento dahil nakita ko na ang sarili ko. Tahimik na ang buhay ko nang makilala ko ang sarili ko," sabi niyang tuluy-tuloy na di tulad nang dati na nagba-buckle siya sa pagsagot sa mga katanungan ng press.

One year din siyang inactive pero, nakatulong ng malaki ang pagkawala niya dahil natagpuan niya ang hinahanap niyang katahimikan. "Nakita ko na talaga palang maganda ang buhay, dati kasi iniisip ko lang ito pero ngayon nakikita ko na at nararamdaman," dagdag pa niya.

Si Richard Somes ang nagdirek ng Lihim na nagtatampok din kina Noni Buencamino, Pen Medina, Ronnie Lazaro at Elizabeth Oropesa.

Ang dalawa pang episode ng Shake, Rattle & Roll ay ang Poso ni Uro dela Cruz na nagtatampok kina Aiai delas Alas, Rainier Castillo, Yasmien Kurdi, Gloria Romero at ang Aquarium ni Rico Ilarde, tampok sina Ogie Alcasid at Ara Mina.
* * *
Pangako ni Ara Mina na magiging aktibo siya sa pag-arte sa susunod na taon. Sa taon kasing ito ay puro pagnenegosyo ang inasikaso niya kaya kakaunti ang nagawa niyang pelikula. Kasama na rito ang Aquarium episode ng Shake Rattle & Roll.

Bagaman at wala siyang lovelife, umugong ang naging relasyon nila nun ni Uma ng Pinoy Big Brother. Mariin din niyang pinabulaanan na gay ito. But then, hindi lang siya ang nagdi-deny na gay si Uma, maski na yung ibang housemates ay may kapareho ring pronouncements.

Anyway, hindi lalaki ang hinihiling niyang regalo sa Pasko kundi ang patuloy na pagningning ang kanyang career.’ Pero, kung may dumating, okay lang. Kailangan ko ng escort kapag naga-attend ako ng awards night," pabiro niyang sabi.
* * *
Balik-ASAP na si Michelle Ayalde. May duet sila ngayong tanghali sa show ni Aaron Agassi.
* * *
Mapapanood naman ng live sa Gen/ Trias, Cavite ang South Border. Mapapanood sila sa Gen. Trias Cultural & Convention Center sa Brgy, 7NG. Poblacion. Handog ito ng Office of the Mayor ng Gen. Trias in cooperation with Junior Chamber International Gen. Trias Katipunan Chapter.

Show comments