Sa Enero 16 pa lamang magti-31 si Anthony na kabilang na rin sa barkada ng Magandang Umaga Pilipinas pero kahit bata pa ay wala rin itong inuurungan kapag may gusto silang hatawin ni Gerry sa ere. May laman at may kabuluhan ang palitan ng opinyon sa pagitan nina Anthony at Gerry na siyang nagugustuhan sa kanila ng mga listeners (isa na kami roon).
Si Anthony ay pang-apat sa pitong magkakapatid at siya lamang ang nakapagtapos ng pag-aaral sa kanilang pamilya. Driver ang kanyang yumaong ama at plain housewife naman ang kanyang ina. Taong 1991 nagsimulang mag-aral ng Masscom (major in Broadcasting) sa New Era College pero natapos niya ito nung taong 2001 dahil maaga siyang nagtrabaho at naging self-supporting student at naging academic scholar siya mula high school hanggang college.
Sa DZEC nagsimula si Anthony bilang news writer, field reporter at producer ng newscast at limang taon siyang namalagi sa nasabing istasyon.
Since sa Nueva Ecija ang pamilya ni Anthony, nakikitira siya noon sa kanyang tiyuhin dito sa Maynila. Minsan, lumuwas ng Maynila ang kanyang ina upang manghiram ng pambili ng bigas sa kanyang lola pero wala itong maipahiram. May sakit din noon ang kanyang ama. Dahil hindi kasya ang kanyang kinikita sa DZEC, nagpaalam siya at nagpasya siyang lumipat ng istasyon at nung March 1997 ay lumipat siya ng DZMM at siyay nagsimula sa graveyard shift bilang police beat reporter. Tumagal ito ng tatlong buwan. Tapos nalipat siya sa pagku-cover ng Camp Aguinaldo, Camp Crame, PNP, AFP at Defense hanggang sa malipat siya sa ibang beat. Sa loob ng isang taon ay nakuha niya agad ang tiwala ng DZMM management. Sa pamamahala ng station manager ng DZMM na si Angelo Palmones, isa-isang sinasanay ang mga field reporter para maging radio anchor at sinubukan niya ang tambalan nina Anthony at Gerry Baja sa Ito ang Radyo Patrol na isang beses sa loob ng isang linggo hanggang sa gawin itong twice a week, tuwing Sabado at Linggo. Sina Anthony at Gerry din ang mga anchors ng early morning program ng DZMM, ang Gising Pilipinas (4-5 a.m.) na nagsimula noong July 2002. Nung mga panahong yon ay bedridden na ang ama ni Anthony at pagkaraan ng tatlong linggo ay sumakabilang buhay ito.
Sa mga hindi nakakaalam, si Anthony ang kauna-unahang radio anchor na nagpatugtog sa ere ng "Hello Garci" CD na isa nang napakalaking isyu sa kasalukuyan.
Tulad ng ibang radio journalist, si Anthony ay hindi rin ligtas sa mga pananakot pero ang lahat ay kanyang ipinapasa-Diyos na lamang.
Si Anthony ay saradong miyembro ng Iglesia ni Cristo at aminado ito na wala pa umano siyang kasintahan hanggang ngayon.
Ang mga labi ni Lalie ay nakaburol ngayon sa King Funeraria, J.P. Rizal, Concepcion, Marikina at nakatakda ihatid sa kanyang huling hantungan sa darating na Dec. 17 sa Paraiso Cemetery sa San Mateo, Rizal.