"Were talking about our future, pero hindi pa napunta ang usapan on settling down. Kaya nga Im taking up supplemental medicines to keep my reproductive system active para puwede pang magka-anak, di ba?" pahayag ni Ms. Sanchez.
At klinaro rin niya ang isyung live-in na sila ni Sen. Mar dahil every morning ay nakikita siya ng mga kapitbahay na lumalabas sa gate ng Araneta compound along Tuazon Avenue, Cubao, QC.
"Of course not, ang mahal-mahal ng renta ko sa bahay ko no? I have my own place sa Bel-Air. A, siguro nakikita ako kasi I join him (Mar) every morning for breakfast together with his family.
"Kasi tumatawag si Mar at sabi niya, don ako mag-breakfast and since on the way naman siya sa ABS-CBN kaya dumadaan ako.
"I woke up at 6:30AM, I leave the house at 7AM, and before 8:30, Im at the office na for my morning DZMM radio program with Ted Failon," paliwanag pa ng future Mrs. Roxas.
Ang maganda raw sa relasyon nila ng kilalang Senador ay pareho silang homebody, "Kaya nagkakasundo kami na kung may time kaming magkita, sa bahay na lang niya o he visits me in my house. Hindi kami ma-gimmick at napagdaanan ko na yun kaya siguro nage-enjoy na lang akong nagkukuwentuhan kami."
Samantala, dalawang malaking event ng ABS-CBN ang gaganapin ngayong Sabado, December 10 sa ganap na alas tres ng hapon hanggang alas siyete ng gabi ay may gift giving para sa mga unfortunate kids na gaganapin sa Paskong Pasiklab carnival na iho-host mismo nina Korina at Ted na may titulong Maligayang Paslit.
Ito kasi ang pasaring ng kampo ni Nadine na parati raw ikinakabit ang name ni Angel kay Nadine para i-angat ang karir ng current girlfriend ni Oyo Boy Sotto.
"Alam nyo, ni minsan hindi ko siya binanggit sa mga interview ko, ako ang tinatanong kung kumusta na ang relasyon namin at kung okey na kami. Sinasagot ko lang ng maayos wala kaming "gap" although hindi kami talaga nag-uusap dahil wala naman chance.
"Pero hindi ibig sabihin non, may problema kami ni Nadine, sa akin wala talaga, hindi ko alam sa kanya. At saka sa rami ng trabaho ko, maiisip ko pa ba yung isyung yan?
"At saka hindi po ako nanggagamit ng tao, kailanman, wala akong ginamit na tao at kung ano ang totoo, yun lang ang sinasabi ko," klarong pahayag ng dalaga. Reggee Bonoan