Karylle, ayaw pumunta ng bahay ni Dolphy!
December 8, 2005 | 12:00am
Nilinaw ni Karylle ang nasusulat na "banned" siya sa bahay ni Dolphy. "Wala namang nagbabawal sa akin na pumunta run. Ako ang hindi pumupunta run bilang respeto na rin sa daddy ko na never din akong pinagbawalan na pumunta dun para dalawin ang mom ko," paliwanag ni Karylle na sinabi ring binabati naman niya si Dolphy kapag nagkikita sila at wala siyang galit dito nang makausap namin sa napaka-laking presscon ng Mulawin, The Movie na kung saan ay ginagampanan niya ang kanyang role na Alena sa TV series na Encantadia.
Tampok ang istorya nina Aguiluz (Richard Gutierrez) at Alwina (Angel Locsin) sa movie version ng sikat na palabas sa TV na tatangkaing isalba ang buong lahi ng kalahating ibon-kalahating tao.
Yes, po, incorporated sa istorya nina Aguiluz at Alwina ang istorya ng Encantadia na kung saan ay ninakaw ni Pirena (Sunshine Dizon) ang "gintong binhi" na kailangan namang ibalik nina Alena at Ybrahim (Dingdong Dantes) sa Lireo para mapagaling ang karamdaman ni Dakila (Eddie Gutierrez,) isang Mulawin elder. Gagamitin ni Pirena ang "gintong binhi" para mapagaling ang ama ng mga Ravena (Michael de Mesa).
May puna ang isang e-mail sender natin na nagngangalang Ligaya Domingo na mula sa Florida, USA. Hinihiling niya na iayos sa website ng Philstar. com ang pagbaybay ng mga ginagamit na salita dahil kahit ito nasa wikang Pilipino, marami siyang napunang maling baybay ng mga salita, tulad ng kasalu-kuyan na aniya dapat ay walang patlang, "Karamihan ng mga salitang may maling baybay ay nababasa sa showbiz section, at minsan ay mismong headline pa.
Tampok ang istorya nina Aguiluz (Richard Gutierrez) at Alwina (Angel Locsin) sa movie version ng sikat na palabas sa TV na tatangkaing isalba ang buong lahi ng kalahating ibon-kalahating tao.
Yes, po, incorporated sa istorya nina Aguiluz at Alwina ang istorya ng Encantadia na kung saan ay ninakaw ni Pirena (Sunshine Dizon) ang "gintong binhi" na kailangan namang ibalik nina Alena at Ybrahim (Dingdong Dantes) sa Lireo para mapagaling ang karamdaman ni Dakila (Eddie Gutierrez,) isang Mulawin elder. Gagamitin ni Pirena ang "gintong binhi" para mapagaling ang ama ng mga Ravena (Michael de Mesa).
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended