Say, ayaw na kay JB!

Nabuo ang love affair  ng dalawang evictees ng PBB na sina Say Alonzo at JB Magsasaysay sa loob mismo ng Bahay ni Kuya at ito’y sinubaybayan hindi lamang sa buong Pilipinas kundi maging sa ibang bansa na abot ng TFC o The Filipino Channel.  Nung isang linggo, natunghayan natin ang pagkasabik nina Say at JB sa isa’t isa nang bumalik sa Bahay ni Kuya ang mga naunang evictees sa pamamagitan ng mga Christmas boxes.   

Kitang-kita ng televiewers ang pagkasabik sa isa’t isa nina Say at JB. Mahigpit na yakapan at halikan ang ginawa ng dalawa bago tuluyang naghiwalay ay na evict si Say.

Ang buong akala ng lahat ay magiging masaya ang paglabas ni Say dahil wala nang makakapigil sa kanila ni JB upang ipagpatuloy sa labas ang kanilang naudlot na pagmamahalan pero malamig sa isa’t isa ang dalawa Sabado ng gabi ito nangyari at nung hapon ng Linggo kinabukasan, nasa The Buzz si Say at buong ningning nitong inamin na masamang-masama ang loob niya sa kasintahan dahil totoo pala umano ang mga nakarating sa kanyang balita na sina JB at Angelica Panganiban pala ang nagkakaigihan ngayon. Ang pakiramdam ni Say, niloko umano  siya ni JB na buong akala niya ay tapat sa kanya.       

Walang alam si Say kung magkakaayos pa sila ni JB basta ang alam niya, nasaktan siya sa ginawa umano sa kanya ng kanyang naging kasintahan nung nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya.  Sabagay, ganoon din naman ang nangyari sa dalawa pang housemates na sina Sam Milby at Chx. Nagka-inlaban sa loob ng Bahay ni Kuya pero paglabas ay hindi na rin halos nagpapansinan.     

Samantala, ngayong hayag na ang Big Four ng Pinoy Big Brother na kinabibilangan nina Uma, Cass, Nene at Jason, gusto naming manalo kahit sino kina Nene at Jason dahil bukod sa pareho silang mabait, mas deserving silang manalo at maging Big Winner ng kauna-unahang Pinoy Big Brother.    

Naghihintay sa Big Winner ng PBB ang mahigit P6-M na premyo ng cash, bahay at lupa at build-up contract ng Star Magic at iba pa.
* * *
E-mail: a_amoyo@pimsi.net

Show comments