Bing, di pa handang bumalik kay Janno!

Dumating sa presscon ng Enteng Kabisote…The Legend Continues si Bing Loyzaga kaya di ito nakaligtas na tanungin tungkol sa intriga nilang mag-asawa.

"Nakikipagbalikan na daw si Janno sa iyo?" tanong namin.

"Hindi pa ito ang right time para makisama muli sa kanya. Time will tell kung talagang magkakabalikan pa kami. Maganda naman ang samahan namin ngayon at kahit magkahiwalay kami ay patuloy pa rin ang komunikasyon namin at hindi kami nagdadamutan pagdating sa mga anak namin. Malaya siyang nadadalaw ang aming anak kung saan kapag may time ay ipinapasyal pa niya ang mga ito. Siguro kailangan muna naming gawin ang lahat ng makakaya para mag-work-out ang aming relasyon," paliwanag nito.
Chynna, Mayro’n Nang Double Chin!
Tumataba si Chynna Ortaleza at kita rin ang pagkakaroon nito ng double chin. Kailangan na nitong magbawas ng timbang bago maging huli ang lahat. Magaling pa naman siyang umarte at maganda rin ang mukha. Huwag na niyang hintaying manamlay ang career dahil sa lumalaking katawan.
Blind Item: Baguhang Aktres Taklesa
May pagkataklesa rin pala ang magandang baguhang aktres. Minsan kasi tinanong ito ng isang reporter kung ano ang lagay ng aktor na nanliligaw sa kanya.

Bigla itong nag-emote ng "Basted na siya sa akin" na ikinagulat ng nag-interbyung reporter.

May soap opera ang baguhang aktres at kasama sa isang entry ng Metro Manila Film Festival. Ang manliligaw ay bahagi ng isang popular na loveteam.

Show comments