Sa bago niyang "Pure Heart" album, iisa lang ang comment ng mga nakakuha na ng CD ni Gary, wala kang itatapong kanta.
Kilala si Gary na all out ang ibinibigay sa lahat ng mga ginagawa niya, bilang songwriter, singer, producer, dancer. Sabi nga ni Gary, walang reservation, buhos ang kanyang commitment, at lahat ay nanggagaling sa puso. Kaya sa latest niyang release na album ay pinamagatan niya itong "Pure Heart".
"Alam ng lahat na Mr. Pure Energy ang tawag sa akin. Puro as in "pure" kasi ang pinanggagalingan ng mga talento ko sa pagkanta at pagsayaw ay ang Panginoon, siya ang pure energy. So naisip ko lang bakit nga hindi "Pure Heart". Iyon kasi ang prayers ko na maging pure din yung puso ko katulad ng sa Panginoon," sabi nito.
Sa dami ng awards na natanggap ni Gary, nakatutuwang malaman na ayaw niyang kunin ang kredito nito.
"Hindi naman ako nagtatrabaho para sa awards. Ang sa akin lang, dapat laging excellence ang layunin ng bawat artista at mang-aawit. Huwag sana nilang masabi na "pwede na" o "mediocre" ang naging kontribusyon ko sa industriya at sa buong bayan. Sa lahat ng bagay, gusto ko sana, una, maalala ako ng tao na isang taong nakapagbigay ng inspirasyon at kaligayahan sa mga pamilya at taong naghihirap o nangangailangan ng pag-asa. Gusto ko rin na ang mga kanta ko at mga performance ay maalala nila na may quality at nakapagbigay ng papuri sa Panginoon. Napakalaki ng responsibilidad sa tao ng media at sa mga sining...sanay alagaan ng lahat ang kanilang mga biyaya. Lahat naman ng talento galing sa Diyos. Kaya dapat lang na sa Kanya tayo nagbibigay puri, hindi sa tao," paliwanag nito.
Ang "Pure Heart" album ay isa ring pasasalamat ni Gary sa kanyang mga fans bilang suporta sa 22 yrs. nito sa music industry. Ang limang kanta sa album ay theme song ng Star Cinema movies "Anak," "How Did You Know," "Because of You," "Ikaw Lamang," at "Kailangan Kita". Ang kanta namang "Kailan" ay tribute ni Gary kay Ryan Cayabyab, "Lipad Pangarap" theme song ng Filipino Channel for 2006, "Destiny" at isang inspirational song na paborito ni Gary na "Lift Up Your Hands" na release ng Star Records.
"We are working hard. Were doing what we love to do. Mahirap pero masaya," sabi ni Ruben Caballero, soloist ng grupo na nagsabing nagsimula pa ang kanilang samahan noong college days nila.