^

PSN Showbiz

Sexy star, napagkamalang matanda

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Instead na ma-impress sa kaseksihan ng sexy actress, kabaliktaran ang nangyari.

Ayon sa source, nang tawagin ang sexy actress sa isang show, na-shock ang source dahil nagbulungan ang audience, mukha raw matanda ang sexy star sabay sabi na "Bakit ganun ang hitsura niya?"

Ang sexy star na ito ay marunong ring magpatawa, at nagagamit niya ang pagiging mukhang lola sa mga role niya.
* * *
Bukod sa pagiging singer, composer, TV host, actor, businessman etc., album producer na rin si Ogie Alcasid.

You read it right folks. Ipo-produce niya ng album ang isang bagong banda called Momscake - a four man band na kumakanta sa kanilang restaurant na Bubble Gang Toppings in Katipunan. "Nag-audition sila at magaling," Ogie assured.

Rap alternative ang forte ng grupo.

Hindi pa lang niya alam kung saang recording company ire-release ang ipo-produce niyang album.

Pero siya, pumirma na uli ng contract sa Viva Records contrary sa mga naglabasang issue na lalayasan na niya ang kanyang home studio.

"Gagawa ako ng bagong album with them. Wala naman kasi akong problema sa kanila. Marami rin kasing kumukuha sa akin pero wala naman akong problema sa Viva," sabi ni Ogie.

Nang tanungin si Ogie kung may idea siya sa issue na lalayasan na rin ni Regine ang Viva: "I don’t think she’s leaving." Meaning, hindi rin totoong lalayasan na ni Regine ang Viva.

O baka naman may agreement sila as ‘friends’ na pag pumirma si Ogie, pipirma na rin si Regine?

By the way, sa Australia mag-spend ng Pasko si Ogie Alcasid. Pero sa bansa na siya magsi-celebrate ng New Year dahil natapat ng Sunday eh live na sila sa SOP ng January 1. Pero babalik naman daw siya ng Australia para makasama uli ang pamilya mga mid-January. Naka-schedule umalis si Ogie on December 22, Thursday.

Kung sabagay, eight times naman niyang nabisita ang pamilya sa Australia ngayong taon kaya parang hindi na rin sila magkakalayo ng asawang si Michelle Van Eimeren at dalawang anak na sina Leila and Sarah.

Yun nga lang, siguradong malaki rin ang nagagastos niya sa airfare. Pero sa rami naman ng raket, sure na hindi na niya iniinda ang gastos na pamasahe sa eroplano papuntang Australia.

Anyway, up to now, hindi pa pala tapos ang pinagagawa nilang bahay sa Australia. Madalas daw kasing umulan sa Australia. February this year pa nang simulang gawin ang nasabing house nila ni Michelle sa bansa ng kanyang asawa. Katulong ni Michelle sa pag-supervise ng construction ng kanilang bahay ang father niyang builder doon.

Anyway, bukod sa rami ng trabaho niya this year, grabe rin daw ang travel niya. Bukod sa Australia, naka-ilang balik siya sa America. Naka-travel din siya this year sa Europe.

Two weeks ago lang ay nasa America sila ng buong cast ng Bubble Gang. Hindi na raw siya namasyal do’n, nauna na siyang umuwi ng ‘Pinas dahil meron agad siyang trabaho.

Nadagdagan kasi ang show ni Ogie, ang Ay Robot! na mapapanood sa QTV 11. "Hindi ako puwedeng mag-absent do’n kasi kailangan talaga ang character ko sa story," say ni Ogie sa isang interview.

At least nga naman sa SOP at Bubble Gang, puwede siyang mag-absent dahil maraming ibang character ang puwedeng maiwan. Unlike sa Ay Robot!, siya ang main character na biyudo na may dalawang anak.

Doing great din ang business niyang Ogie Doggie and Bubble Gang Toppings.

At any rate, every Saturday night napapanood ang Ay Robot!, 7:00 p.m.

According to Direk Al Tantay, wholesome ang programa nila. Feeling nga raw niya, nag-mature na siya dahil known si Direk Al sa pagdidirek ng mga not so wholesome na show and movies.
* * *
Tatlong movie ang naka-schedule gawin ng partnership ng Imus Productions and Enchanted Kingdom. Una pa lang daw ang Exodus, Tales from the Enchanted Kingdom according to the major stockholder ng EK na si Mr. Mario Mamon ng high end theme park sa bansa.

Pina-pattern nila sa Walt Disney ang gagawin nilang pagpo-produce ng pelikula ka-partner ang film outfit ng mga Revillas.

Ito raw ngang Exodus, year 2002 pa lang, pinag-isipan na nila ang script. And then year 2004 nang ma-closed nila ang deal with Marlon Revilla (brother ni Bong) ng Imus.

Ayaw i-reveal ni Mr. Mamon kung magkano ang share nila sa movie.

Anyway, marami pang plano ang Enchanted Kingdom na ten years na palang nago-operate sa Sta. Rosa, Laguna. Like plano nilang mag-develop ng isang animation institute ala-Pixar Studios sa mismong katabing lugar ng Enchanted Kingdom.

Ang nasabing animation institute ay magiging training ground ng mga animators ng bansa.

Feeling kasi nila, nawawalan na ng chance ang mga potential animators na ma-discover ang kanilang talent dahil wala silang outlet. At least nga naman sa kanilang plano, malaki ang chance na makagawa pa sila ng mga original character na tulad ng ginawa ng Walt Disney.

AY ROBOT

BUBBLE GANG

BUBBLE GANG TOPPINGS

ENCHANTED KINGDOM

NIYA

OGIE

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with